^

PSN Opinyon

Binawi ng nanay

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Una sa 2 bahagi)

Isang kaso na naman ito tungkol sa kustodiya sa anak. Ang patakaran ay dapat na nasa nanay ang pangangalaga ng bata. Pero tulad ng desisyon sa ibang kaso, ang awtoridad na ito ay maaaring isuko sa iba. Ang kinukunsi­dera sa desisyon ay ang karapatan sa kustodiya at panga­ngalaga sa bata pati pangunahin ang kanyang kapakanan o interes.

Kung ang nanay mismo ang nagbigay sa kanyang anak para alagaan ng iba dahil wala siyang pera para buhayin ang bata ay puwede ba niyang bawiin ang anak?

Ito ang mga isyung tinatalakay at sasagutin sa kaso ni Alice.

Dalaga si Alice at isang tinedyer lang nang ipanganak niya ang isang sanggol na lalaki na binigyan ng pangalan­ na Zandro. Ang tatay ni Zandro ay isang sundalong Ame­ri­kano, si Nicolas, na parte ng American Liberation Forces.

Siyam na araw lang pagkatapos niyang ipanganak ang sanggol ay ipinagkatiwala na ni Alice ang anak sa matalik na kaibigan na si Stella.

Galit ang ama ni Alice na si Wilfredo at ayaw tanggapin ang bata sa kanyang tahanan. Kinunsidera ni Wilfredo na kahihiyan sa pamilya ang ginawa ni Alice na pu­masok sa bawal na relasyon kay Nicolas.

Ipinagkatiwala ni Alice si Zandro sa kaibigang si Stella na kasal naman kay JP pero walang anak. Gumawa pa ng dokumento si Alice na ipinagkakatiwala niya ang anak kay Stella dahil wala siyang kakayahan na buhayin ang bata.

Mula sa ospital ay inuwi na ni Stella si Zandro diretso sa bahay. Siya na mismo ang nag-alaga sa bata at kumuha pa nga ng nars na tutulong sa kanya.

Pati si Alice at tumira din ng ilang araw sa bahay ni Stella habang nagpapagaling pagkatapos ay iniwanan na si Zandro at umuwi na sa bahay niya. Pero dumadalaw siya sa anak tuwing Sabado at nagdadala ng gatas, pagkain at pera.

Lumipas pa ang tatlong buwan ay muling gumawa ng dokumento si Alice na nagtatalaga kay Stella bilang tunay na guardian ng anak niyang si Zandro.

Nakakuha ng trabaho si Alice kung saan nakilala niya si Gary. Nagpakasal sila pagkatapos ng dalawang taon. Nagpasya sina Alice at Gary na bawiin si Zandro mula kay Stella. Pero ayaw pumayag ni Stella at ng mister nito kaya napilitan pa silang magsampa ng petisyon (Petition for Habeas Corpus) para mabawi ang bata.

Bilang sagot sa kaso ay sinumite nina Stella bilang Exh. 1 at 4 ang mga dokumentong ginawa ni Alice kung saan nakasaad na pinagkakatiwala niya ang kustodiya ng anak sa kaibigan bilang tunay na guardian at ang sinulat nito na walang ibang may karapatan na ampunin ang bata maliban kay Stella.

Sa kabila ng nasabing mga dokumento ay nagpasya pa rin ang korte na pagbigyan ang petition for habeas corpus at ipinag-utos sa sheriff na ibigay ang kustodiya ng batang si Zandro sa kaniyang tunay na ina na si Alice.

Ayon sa hukuman, hindi sapat ang dalawang dokumentong ipinakita para sabihin na isinuko ni Alice ang kustodiya ng anak pabor kay Stella.

(Itutuloy)

NANAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with