^

PSN Opinyon

Dosenanaman

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Laging 12 ang Magic number kapag naninindigan ang Senado, lalo na kung Amerika ang sangkot. Itong huling­ resolusyong inihain nina Senate President Vicente C. Sotto, III at ni dating Senate President Franklin Drilon ay hango sa terminasyon ng R.P. – U.S. Visiting Forces Agree­ment (VFA). Maaalalang mag-isang tinuldukan ni Pangu­long Rodrigo Roa Duterte nitong February, 2020 ang VFA nang hindi na pinadaan sa Senado. Kasama ang Senado sa pag-apruba ng VFA noong 1999. 

 Twelve rin kasi ang bilang ng mga Senador na bumotong wakasan ang U.S. Bases noong 1991. Tinaguriang Magnificent 12 ang mga Senador na nagsawalang bahalang talikuran ang matagal nang pag-host ng Pilipinas sa mga military bases. Iyon ay isa sa pinaka-ma­hala­gang pangyayari sa kasaysayan ng bansa. Sa harap ng pressure mula sa Malakanyang at, higit sa lahat, sa kabila ng matinding public opinion pabor sa pananatili ng U.S. bases, pinairal ng Magnificent 12 ang kanilang malalim ding paninindigan. Oras nang ipamukha sa mundo at, higit sa lahat, sa ating sarili na kaya natin kahit wala ang Amerika.

Dito sa Sotto-Drilon resolution ay hindi naman ganoon kabigat. Tapos na ika nga ang boksing dahil nasabi na ni PRRD sa U.S. na kakalas tayo. Kung kaya itong resolus­yon ng Senado ay para lang hilingin sa Mataas na Hukuman na linawin kung kailangan ang approval ng Senado kapag ang Presidente ay kakalas sa isang International Agreement. 

 Subalit hindi rin ito ganoon kasimple. Dahil manghi­himasok lang dapat ang Supreme Court kapag ang hak­bang ng Kongreso ay taliwas sa interpretasyon ng Ehekutibo. Dahil may banggaan, kailangan mamagitan. Sa ngayon, hindi naman pormal na tumutol ang mga Senador sa ginawa ni PRRD. Sa halip, itong resolusyon ng Senado ay diniretso sa Hukuman. Kapag ganito ang nangyari, maaring hindi ito patulan ng mga Mahistrado dahil wala namang kontrobersyang matuturingan. 

 Sayang lang at hindi nasuportahan ng lahat ng Senador ang Resolusyon. Hindi naman ito pagsupalpal sa Pangulo. Tinataguyod lang nila ang poder ng kanilang institusyon. 

EHEKUTIBO

PRRD

VFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with