Cerafica brothers ng Taguig, kinasuhan!
MUKHANG double whammy ang inabot nitong magkapatid na Arnel Cerafica na tumakbong mayor ng Taguig City noong nakaraang election at Allan Cerafica, na congressional bet. Natalo kasi itong magkapatid na Cerafica sa halalan at ang masama pa katakut-takot na kaso pa ang inabot nila. Nitong nakaraang Lunes kasi, nagsampa ng kasong sedition, illegal assembly at uprising ang mga taxpayers ng Taguig at miyembro ng Jeepney Operators and Driver’s Association (JODA) laban sa Cerafica brothers at ilan nilang supporters. ‘Pag nagkataon, talunan na sa election, aba baka maghimas ng rehas na bakal ang magkapatid na Cerafica. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Puede!
Matapos kasi ang bilangan noong nakaraang election, aba inokupa ng Cerafica brothers at mga supporters nila ang Pedro Cayetano Blvd., na isang public road, noong May 14 at kinondena ang pandaraya umano ng mga kalaban nila. Ang pagtitipon nila ay naulit noong May 23 at naging dahilan sa pagsikip at pagparalisa ng daloy ng komersiyo sa naturang lugar na umabot pa sa C-5 Road. Pawang walang permit ang naturang “kilos protesta,” na kinainis ng mga residente at motorista. Gamit ang isang megaphone o loud speakers, maraming libelous statements laban sa gobyerno at binitiwang salita ng dalawang akusado.
Sinabi sa reklamo na sapat na itong kanilang ebidensiya para patawan ng kaukulang kaparusahan ang Cerafica brothers. Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Kung ang buong akala ng magkapatid na Cerafica at mga supporters nila ay palalampasin lang ang kanilang paninira ng order at safety ng isang lugar, aba nagkamali sila. Siyempre, alam n’yo naman mga kosa na hindi palalampasin ng batas ang mga ganitong pangyayari dahil pagnagkataon baka tularan pa sila sa ibang lugar. Kasi nga sobrang daming tao ang inabala ng kilos protesta ng Cerafica brothers at sa totoo lang napagod lang sila at ang mga supporters nila dahil napunta lang sa wala ang ginawa nila. At hayan, sangkatutak na kaso lang ang naging premyo nila. Hehehe! Premyo ba ang tawag sa kaso mga kosa?
Ang dapat sana kasi, sa tamang ahensiya ng gobyerno nagreklamo ang magkapatid na Cerafica at hindi sa kalye kung saan marami silang naperhuwisyo, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Si Arnel ay tinalo ni dating Rep. at filmaker Lito Cayetano samantalang si Allan naman ay bumalintong kay dating Sen. Alan Peter Cayetano na Speaker of the House na sa ngayon. Hayyyy buhay! Abangan!
- Latest