Babala sa mga mahilig mag-online banking transactions!
WALANG taong perpekto, lahat ay nagkakamali. Ang tanong, handa ka ba sa kahihinatnan at resulta ng iyong naging maling desisyon? Aba dapat, para matuto, madala’t maging maingat na.
Ngayong mag-ookasyon, kaliwa’t kanan na ang paggastos ng mga Pinoy. Mas tumataas ang mga transactions online gaya ng pag-shopping o purchasing at banking.
Kuwidaw sa mga mahilig mag-online banking! Baka ang inakala niyong hassle-free, fast and easy transaction ay mauuwi rin sa perwisyo’t sakit ng ulo.
Isang ginang, nagpadala ng pera sa kanyang kapatid gamit ang teknolohiyang online bank transfer. Pero ang ipinadala niyang P30,000, sa ibang account pumasok!
Ang nakatanggap ng pera, ang regular courier ng kanyang pita bread business. Matagal na silang magkatransaksyon pero hanggang sa social media ang kanilang mga naging usapan.
Imbes daw kasi sa account ng kanyang kapatid maipadala, aksidente niyang napili sa bank application ang account number ng kanyang courier. Ang masaklap, natuklasan ng ginang na siya’y nagkamali, 3 araw pa matapos ang ginawang transaksiyon.
Nakiusap naman ang ginang sa regular courier niya para sana maisauli ang pera subalit deny to death daw ang kolokay! Wala raw P30,000 na pumasok sa kanyang account.
Nagpakita ang ginang na nagrereklamo ng mga dokumento mula mismo sa banko na sa ibang account number niya naipadala ang pera. Kumpirmado raw na sa kanyang courier ito pumasok.
Eto na ang mas malalang problema, no where to be found na kolokay na courier niya. Kaya ang ginang, tumakbo na sa Pambansang Sumbungan para malaman ang kaniyang susunod na hakbang.
Sa panig ni Atty. Batas Mauricio, kailangang mapadalhan ng sulat kahilingan ang inirereklamo na ibalik nito ang pera. Maari ring humarap sa kasong sibil sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, Article 1169.
Aminado ang ginang sa kawalan niya ng pag-iingat. Siya mismo ay nagbigay ng babala na siguraduhing tama ang detalye ng bawat transaksiyong gagawin.
Magpapasko ngayon at siguradong marami ang aasa sa mga online transactions. Upang makaiwas sa kaparehong problema, panoorin ang ang kabuuan ng istorya sa aming YouTube TV, Bitag Official.
- Latest