^

PSN Opinyon

Ang 2020 national budget, bow

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Pinadalhan ang Chief Kuwago ng email ni Rep. Brosas kaya naman sa malayang pamamahayag ay ginamit natin ito at kung gustong sumagot ang gobierno ay bukas ang ating kolum para sa kanila. 

Eto basahin!

BANAT ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, hindi niya raw masisikmura ang isang pambansang badyet na sagana sa pondo sa pagpaslang, pagdukot at pagkulong sa oposisyon pero salat na salat sa pondo para tiyaking may isasaing ang mahihirap na pamilya at maaayudahan ang naghihingalong kalagayan ng mga magsasaka.

Ano sa palagay ninyo?

Tama ba ang tirada ni Brosas?

Tirada ni Brosas, hindi dapat kaltasan pa ang badyet ng NFA para pambili ng palay ng ating mga magsasaka. Samantala, bilyun-bilyon ang pondo para sa grandiosong programang Build, Build, Build  at iba pang proyektong pang-imprastraktura na magtataboy sa mas maraming komunidad at wawasak sa mga palayan at palaisdaan.

Hindi raw katanggap-tanggap ang isang pambansang badyet na may pondo para paandarin nang todo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, na siyang nagpapakansela ng rehistro ng Gabriela Women’s Party at pangunahing responsable sa panggigipit at pagred-tag sa mga aktibista na nagbubunsod ng mga paglabag sa mga karapatang pantao.  

Nanawagan si Brosas, na hindi maitatangging nakabuslo ang maraming proyekto sa 2020 budget sa bulsa ng mga kontraktor at mga kasosyong pulitiko. At habang umaapaw ang ganansya ng iilan, umaalog naman ang bigasan ng mas maraming mahihirap na kababaihan at mamamayan

Ayos ba?

Si Collector Raymund Mama - O ng Pair Cargo

BINISITA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Pair Cargo para makita ang ipinagmamalaki ni Deputy Customs Collector Mama - O, sa ginagawa niyang palakad at mga pamamaraan dito para makuha ang itinalagang target revenue collection nina NAIA Customs Collector Mimel Talusan at siempre ang assigned target sa airport ng Department of Finance.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabilis ang releasing ng mga international shipments na pumapasok sa bakuran ni Mama - O, dahil mahigpit ang kanyang utos sa kanyang mga constituents sa bodega na walang red tape na mangyayari roon at ayaw nitong may mga nagrereklamong mga brokers o importers sa kanya na diumano’y kinikikilan sila ng kanyang mga tauhan. 

Sabi ni Mama - O, tiyak may paglalagyan ang mga kamote oras na may mag-reklamo!

Tama!

Ika nga, smooth sailing ang trabaho sa bodega ni Mama - O kaya naman ang mga may transactions dito ay nakangiti oras na lumabas ng customs.

Dapat lang!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukas ang kuarto ni Mama - O sa madlang people na may mga transaksyon sa pair cargo.

Ika nga, serbisyong bayan at sa tao ang ginagawa ni Mama - O para makuha ang assigned target revenue collection ng kanyang bodega.

Makuha kaya? Abangan.

ARLENE BROSAS

GABRIELA WOMEN’S PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with