^

PSN Opinyon

Insentibo bumuhos sa Pinoy gold medalists

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

SANA, pamarisan ng ibang mayayamang sektor ng lipu­nan ang ginawang pagbibigay ng dagdag na financial reward sa mga Pinoy Gold medalists sa 30th SEA Games tulad ng ginawa ng mga Kongresista ng Mababang Kapu­lungan. Karagdagan iyan sa inilaan nang pabuya ng Phi­lippine Olympic Commission (POC).

Bless na bless ang mga Pinoy Athletes na humakot ng gold medals. Naglaan ang mga Mambabatas sa Mababang Kapulungan mula sa sariling bulsa ng P10 Milyon bilang pabuya sa kanila. Ito ay mula sa bahagi ng suweldo ng mga kongresista sa Enero 2020.

Iyan daw ang pagkilala at maugong na palakpakan ng mga Solons sa mga Atletang Pinoy na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Ang hakbang ay nakapaloob sa House Resolution 568 na pinagtibay ng kamara at buma­bati sa mga atletang Pinoy Gold medalists. 

Nanguna rito si Speaker Cayetano, na presidente rin ng  Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC); House Majority Leader Martin Romualdez; De­puty­ Speakers Paolo Duterte at Prospero Pichay; House Committee on Accounts chairman Rep. Abraham Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC); at House Committee on Youth and Sports Development chairman, Rep. Eric Martinez. 

Kaya ngayon pa lang, binabati na natin ang mga humakot ng sandamakmak na medalyang ginto na patuloy pang namamayagpag. Kasama rito ang gold medalists na si Carlos Yulo sa gymnastics, si Agatha sa Wushu at iba pa nating atleta.

Kung ganyan ang gagawin natin, siguradong mamamayagpag ang ating mga atleta. Malay natin, baka mag-bid ang Pinas sa 2030 hosting ng Asian Games. Isa na na­man­ itong magandang karanasan para sa ating bansa at mga atleta.

30TH SEA GAMES

PAOLO DUTERTE

PHI­LIPPINE OLYMPIC COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with