^

PSN Opinyon

Pinoy, suportahan sa SEA Games

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NILINAW ng  Century Park Hotel na  hindi nila pinabayaan ang mga manlalarong dayuhan gaya ng ilang batikos sa social media. Alas dos naman talaga ng hapon ang stan­dard check in time kaso, napaaga ang dating ng mga atleta. Gayunman, 8:30 pa lang ng umaga ay nabigyan na umano ng kuwarto ang ibang mga manlalaro at ang iba naman ay inistima sa holding area at doon sinilbihan ng pagkain.

Sa nakaraang dalawang araw, sa buong 77 arrivals ng mga atleta mula sa ibang bansa, nagkaroon man ng ilang problema pero hindi nangangahulugan na palpak ang paghahanda sa pandaigdig na palaro.

Hindi gawang biro ang maghost ng mga international sports events. Sino mang eksperto ay sasabihing normal ang mga ganitong pangyayari at hindi naiiwasan.

Ang panawagan natin sa ating mga kababayan ay magkaisa at suportahan ang ating mga atletang kalahok sa palaro sa susunod na linggo. Karangalan ng ating bansa ang dadalhin ng mga atletang Pinoy sa palaro upang makamit ang overall championship sa SEA Games.

Sana naman, maghinay-hinay sa mga komento at pa­hayag lalo na sa maimpluwensyang social media, hang­ga’t hindi pa naririnig o nalalaman ang buong kuwento o ang kabilang panig. Huwag nating siraan ang sarili nating bansa.

Ang pagdaraos ng 30th SEA games ay karangalan ng buong bansa. Karangalang nadama natin noong huli tayong­ nagdaos ng SEA Games noong 2005. Huwag na nating­ pa­lakihin ang mga maliliit na bagay kagaya ng mga reklamo sa paulit-ulit na pagkain at kung ilang bote ng tubig ang dapat ibigay sa mga atleta sa loob ng isang araw. Nasosolusyunan ng mabilis ang ganitong mga problema.

Sa halip na magbatikusan tayong lahat, ituon na lamang­ natin ang ating atensyon sa pagpalakpak sa ating mga manlalaro kahit anuman ang kanilang kahinatnan. Ang panalo nila’y panalo nating lahat!

vuukle comment

CENTURY PARK HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with