^

PSN Opinyon

Nandukot na! Hambog pa! Nakipagsubukan! Tiklop sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SAAN ka nakakita, mismong ama, dinukot ang sariling mga anak? Nakapagtataka kung paano nila nagagawa pero madalas mangyari sa totong buhay.

Hindi na bago ang mga ganitong klaseng sumbong. Simula pa noon, marami na rin kaming nasampolan. Mga walang takot sa batas! Angas-angasan, kesyo bata raw ni Governor kaya binabalewala ang Family Code.

Parental abduction is normally done by the father. Sa una, hihiramin lang ang bata. Pero bandang huli ay tata­ngayin na lang ng walang paalam sa nanay.

May mga batas tayong dapat sinusunod pagdating sa kustodiya ng mga anak. Nasa pangangalaga dapat ng ina ang sinumang batang below 7 years old maliban na lamang kung ang hukuman ay may nakitang dahilan na magsasabing hindi handang maging ina ang isang babae.

Kaya naman kitang-kita ang poot at pighati ng isang inang lumapit sa aming tanggapan. Nanghihingi ng saklolo para makuha ang kanyang mga anak. Natatakot dahil malakas daw ang loob ng hambog na dati niyang kinakasama.

Wala raw siyang karapatang maging ina. Akala mo kung sinong husgado! Hindi niya raw ibabalik ang mga bata sa nanay nito kahit ano pang mangyari. Tapang-tapangan, bata raw kasi ni Gov.

Ang isa sa mga anak niya ay anim na taong gulang pa lamang kaya naman ora mismo ay nakipag-ugnayan ang BITAG Strike Force sa opisina ng Cabanatuan City Social Welfare and Development.

Noong una ay natatakot kumilos ang Cabanatuan-CSWD dahil pumalag at lumaban na raw noong unang paghaharap ang inirereklamong tatay. Matapang ang tatay dahil bata raw siya ni Governor kaya sinubukan namin ang tapang ng kolokoy.

Ako mismo ang kumausap sa hepe ng CSWD through a phone call. Inobliga kong kumilos. Hindi puwede sa’min ang duduwag-duwag! Kahit sinong berdugo pa ‘yan ay hindi namin aatrasan. Sundin n’yo ang batas.

Pagkatapos ay nakipag-ugnayan agad kami sa PNP-Cabanatuan upang magpasama sa bahay ng dating kinakasama ng aming complainant.

Doon namin nadatnan ang isa niyang anak na 4-taong gulang kasama ang kanyang lolo. Ngunit matigas ang tatay ng bata. Akala mo kung sinong panginoon kung magsalita. Banta niya, siya pa raw ang magrereklamo!

Tanging ang 4-taong gulang lang ang nabawi ng nagreklamong ina. Kinakailangan pa niyang magsampa ng kaso sa korte para makuha ang kustodiya ng kanyang 10-taong gulang na anak.

Hamon ko sa tatay ng mga bata, Jason Marcos na taga-Cabanatuan. Ireklamo mo kami sa hukuman! Isama mo pa yang pinagmamalaki mong gobernador para makita natin kung sino ang papanigan ng batas.

Subukan mo pang pumalag at ako mismo ang magpapatikim sayo ng totoong kamandag ng BITAG!

BITAG STRIKE FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with