Si Papa G, ang ‘deep throat’ sa NAIA
DISMAYADO ang mga co-workers ni Papa G sa NAIA, ng malaman nila na ang baklitang hitad ang ‘deep throat’ na sumisira sa kanilang pagkatao.
Bakit?
Nabalitaan nilang ikinanta sila ni Papa G, nang magtungo ito sa DoJ?
Sabi nga, sangkot umano ang karamihan sa kanila sa human trafficking scam, kaya nagpuputak ang mga tinamaan.
Naku ha!
Totoo naman.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayos lang na ilagay ang mga pangalan nila sa ‘song list’ na ibinigay sa DoJ pero dapat inamin din ni Papa G na kasama ito sa partehan ng salaping nalikom sa human smuggling.
Patay!
Sabi nga, P500,000 weekly ang parte ng hitad na baklita.
‘Wow, P2 million monthly kaya pala may brand new Toyota Land Cruiser ito’ sabi ng kuwagong sumisinghot ng katol.
Abangan.
‘Kambing’ in sa NAIA, P80K singilan
HINDI lihim sa NAIA - BI ang operasyon ng mga bombay na diumano’y illegal na pumapasok sa Philippines my Philippines?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi nga, open book ito at hindi bago sa NAIA? Alam mo ba ito Mr. Anton Lopez, NAIA - BI Terminal 3, Travel Control and Enforcement Unit head?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aktibo sa escort with a fee ang isang alyas ‘turban king,’ walang hindi nakakakilala dito sa immigration dahil ito ang forte ng kamote. Kilala mo ba ito Dong Castillo?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigpit na sinasala ng BI ang pagpasok ng mga tinatawag na ‘Kambing’ sa airport dahil kalimitan sa kanila ay walang trabaho at dito magtatago para sa diumano’ y 5-6 operation nila?
Naku ha!
Totoo kaya ito? Abangan.
St. Anthony School
ANG St. Anthony School ni Mr. Jamesy Reyes sa Calapan City, Oriental Mindoro, ay hindi dapat nagwi-withhold ng credentials ng mga estudyanteng graduate ng senior high school kung hindi nya makolekta ang voucher ng mga ito sa Private Education Assessment Committee of DepEd.
Kung kulang ang requirements niya para makakolekta, walang kasalanan ang estudyante dito at parang blackmail ito.
Ang gustong palabasin ng school bayaran muna ng estudyante at ire-refund na lang kapag nakolekta na.
‘‘This is highly irregular and illegal. The government guarantees payment of this commitment because of K12 program provided they have all the requirements,’’ sabi ng kuwagong reklamador.
Ano sa palagay ninyo ang dapat? Abangan.
- Latest