^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag na tax sa yosi, tama lang

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dagdag na tax sa  yosi, tama lang

ISA nang batas ang pagdadagdag sa buwis na ipapataw sa tobacco products. Nilagdaan ni President Duterte ang batas na nagdadagdag ng tax rate na P45 sa sigarilyo na magsisimula sa Enero 1, 2020. Sa kasalukuyan, ang tax rate ng sigarilyo ay P35. Ayon sa Malacañang ang pagtataas ng tax sa sigarilyo ay para maprotektahan ang kalusugan ng mga Pilipino sa nakamamatay na bisyo at para masuportahan din ang implementasyon ng Universal Health Care Act ng pamahalaan. Kapag naimplement ang P45 tax rate sa susunod na taon, kikita ang pamahalaan ng P15 bilyon. Malaking halaga para mapondohan ang Universal Health Care program. Kasama ring itataas ang tax ng electronic cigarette o vape.

Napakahalaga ng batas na ito at isa sa kapaki-pakinabang na nilagdaan ni President Duterte. Binanggit niya ito sa nakaraang SONA. Gusto niya, maprotektahan ang mamamayan sa masamang dulot ng paninigarilyo kaya pursigido siyang malagdaan agad ang batas. Alam niya na mapanganib ang paninigarilyo sapagkat siya ay dati ring smoker. Nagawa niyang itigil ang bisyo maraming taon na ang nakararaan.

Noong nakaraang taon, isang Executive Order ang kanyang inisyu na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Bawal nang maniga­rilyo sa mga government offices, plaza, paligid ng school, palengke, simbahan at iba ang matataong lugar. Bawal din ang magtinda ng sigarilyo sa mga publikong lugar at magbenta nito sa mga menor de edad. Mapaparusahan ang mga lalabag.

Ganunman, malamya ang pagpapatupad ng ka­utusan sapagkat marami ang lumalabag at hindi na hinuhuli. Ningas-kugon lang. Wala nang nagpapatupad at tila nawalan ng saysay ang Executive Order. Hindi sana balewalain ang kautusan ng Presidente.

Sa pagpapataw ng mataas na tax sa sigarilyo, tiyak na maraming bibitiw sa bisyo. Maraming makaka­ligtas sa sakit kapag hindi na nanigarilyo. Karaniwang sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay cancer sa baga, atay, lalamunan, labi, dila, sakit sa puso at iba pa.

Dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo, gumagastos ng bilyong piso ang pamahalaan sa mga pampublikong ospital. Kung wala nang magkakasakit dahil sa sigarilyo, ang pondong makukuha sa buwis ay maaari nang gastusin sa iba pang serbisyo para sa mamamayan.

RODRIGO DUTERTE

TAX RATE

TOBACCO PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with