^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Endo’ bill, lagdaan na kung lalagdaan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - âEndoâ bill, lagdaan  na kung lalagdaan

NOON pang nakaraang Hunyo 27 nasa mesa ni President Duterte ang “endo” bill o ang security of tenure (SOT) bill at naghihintay para malagdaan. Pero hanggang ngayon, wala pang nakikitang paggalaw dito. Sabagay, hindi man niya ito lagdaan, kapag nag-lapse ang nasabing panukalang batas, sa pagiging batas din ang tungo nito. Magla-lapse ang panukala sa Hulyo 27, o isang buwan makaraang isumite sa kanyang tanggapan.

Pero mas maganda kung malalagdaan niya ang “endo” (end of contractualization) para maging malinaw sa lahat ng mga manggagawang nakagapos sa contractualization. Noong nakaraang taon, nag-isyu ng Executive Order ang Presidente na nagba­bawal sa mga employer ukol sa contractualization pero patuloy pa rin ang masamang praktis na ito. Nagbanta pa ang Presidente na pupugutan ang mga employer na mag-i-engage sa contractualization pero marami pa rin ang sumusuway.

Maraming manggagawa ang umasa na sa pag-iisyu ng EO, mapuputol na ang tanikala ng contractualization pero bigo pa rin sila. Hindi rin naman maipa-implement ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kautusan ng Presidente.

Sabi ni Duterte noong nangangampanya pa, pi­napatay umano ng contractualization ang skills ng manggagawa. Ayon pa sa kanya, ang contractuali­zation ay dapat lamang sa mga mauunlad na bansa at hindi sa Pilipinas. Karamihan sa mga kompanya na nagpapraktis ng contractualization ay pag-aari ng mga Chinese. Karaniwang factory ng tsinelas, bags, plastic products, pagawaan ng sitsirya, kendi at iba pang snack foods. Hindi nila nireregular ang mga trabahador nila para makalibre ng pagbabayad sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at iba pang benepisyong nararapat at nakasaad sa batas. Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), may tinatayang 25 milyong contractual workers sa bansa.

Umano’y may mga kompanyang humihiling sa Presidente na i-veto o huwag lagdaan ang “endo” bill. Huwag sanang mangyari ito sapagkat tiyak nang hindi makakalaya sa pagkagapos sa contractua­lization ang mga kawawang manggagawa. Lagdaan na ang “endo”. Ihayag ito sa SONA para makahinga nang maluwag ang mga kawawang anak pawis.

ENDO BILL

SECURITY OF TENURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with