^

PSN Opinyon

Kudeta sa speakership luto ng Romualdez camp?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAUGONG ang balita na kampo ni Rep. Martin Romualdez ang may pakana sa planong kudeta sa House of Repre­sentatives sa pagbubukas ng session ng 18th Congress nitong Hulyo 22. Nagsimula ito sa Ipinakalat ni Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor na diumano’y text message mula kay Davao City Mayor Sara Duterte. Ito’y tungkol kunu sa first wave ng planong kudeta sa House speakership ng kampo ni Leyte Rep. Martin.

Sa farewell party raw ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ipinakita ni Defensor sa mga newsmen ang text message na aniya’y mula kay Mayor Sara. “Itinaon pa ng kampo ni Romualdez na sa party ni Gloria magsalita si Mike D. kahit alam nilang magagalit si President dahil babalik na naman sa free-for-all ang speakership race,” anang source na ayaw magpabanggit ng ngalan.

Kinunan pa ng picture at video ang screen ng smartphone ng mambabatas at ito ang nakalagay: “Hi sir! I have the go signal of Mayor Inday to publish. ‘Kaya nanawagan siya ngayon sa lahat ng mga Congressmen na bumoto ayon sa kanilang kagustuhan dahil ang kanyang ama ay na set-up lamang ng mga miyembro ng gabinete na kaal­yado ni Cayetano.’ – Mayor Inday.”

Ani Defensor, ipinadala sa kanya ang text message ng isang bagitong kongresistang taga-Davao na “very close” sa presidential daughter. Sinabi ng source na makikita sa naging galaw ni Defensor ang pagmimitsa sa mga kasamahang kongresista upang balewalain ang pag-endorso ni Presidente Rodrigo Duterte sa Cayetano-Velasco term-sharing noong Lunes.

“Nagalit tuloy sa kanya (Defensor) si Mayor Inday at biglang nasilat ang pasabog ng kampo ni Congressman Romualdez. Ang masama pa, dinamay nila si Mayor Inday kahit nananahimik ito,” anang source. Sa press statement ni Mayor Sara, kanyang sinabihan si Defensor na tigil-tigilan na ang pang-iintriga at pangalanan kung kanino galing ang text message upang lumabas ang katotohanan. 

Nag-panic daw si Defensor ilang oras bago maganap ang pag-uusap sa Malacañang tungkol sa term sharing at tumawag pa raw ito sa kanya upang ipilit hanggang kahuli-hulihan ang minamanok na si Rep. Romualdez. Dagdag niya, nang matapos ang meeting, muli raw tumawag sa kanya ang kongresista at tinulituligsa na raw nito ang nabuong term sharing decision sa Palasyo kaya dinedma niya na lang daw.  

“Dahil nahuli na sila (Romualdez camp) sa coup attempt nila, ginugulo na lang nila ngayon ang usapan at binabalya nila si Congressman (Lord Allan) Velasco at  Congressman (Isidro) Ungab upang masolo nila ang mga gusto nilang committee at pati ang ilang importanteng posisyon,” dagdag source.

HOUSE SPEAKERSHIP RACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with