^

PSN Opinyon

Phl-China relations repasuhin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SIGURO, kung hindi si Duterte ang Presidente ng bansa, ikukonsidera na ang pagputol sa relasyong diplomatiko ng Pilipinas sa China. Ito’y kaugnay ng naganap na pagbangga at pagpapalubog ng isang Chinese ship sa fishing­ vessel ng Pilipinas sa Recto Reef sa West Philippine Sea. Ngunit alam natin ang sobrang pagpapahalaga ng adminis­trasyon sa relasyon ng Pilipinas sa China. Mukhang malabo ang pagputol ng diplomatic ties.

Pero gaano man katimbang ang relasyong diplomatiko natin sa naturang bansa, para sa administrasyon, dapat nang repasuhin at baguhin kung kinakailangan ang ating policy hinggil sa pakikitungo natin sa China. Hindi habambuhay ay api-apihan tayo ng bansang ito at iniinsulto ma­ging sa sarili nating teritoryo. Kung kaibigan ang tingin natin sa China, sa palagay ko, hindi ganyan ang pananaw sa atin ng bansang ito na habang umuunlad ay nagiging mapanganib na halimaw na Ibig lamunin ang lahat ng bansang nagpapakita ng karuwagan.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kasunod ng insidente, plano na ng pamahalaan na gumawa ng reassessment sa relasyon ng Pilipinas sa China. Sana ang pahayag na ito ay hindi lamang isang pakitang-tao na ang layunin ay payapain lang ang galit ng maraming Pilipino sa nangyaring insidente na iginigiit ng Tsina na isang maritime accident ngunit ayon sa mga tripulante at kapitan ng pinalubog na fishing boat ay sinadya.

Sa ganang akin, Kung ito’y isang hindi maiwasang aksi­dente, hindi dapat tinalikuran ng mga Intsik ang biktima ng kanilang panduduro kundi tinulungan. Kaso, ibang bansa pa ang maagap na sumaklolo sa mga Pilipinong mangingisda.

Mabuti na lang at lahat ng laman ng fishing vessel ay nakaligtas nang sagipin ng mga Vietnamese matapos silang takbuhan ng mga Intsik na bumangga sa kanila.  Sa kabila nito ay tahasan pang idinepensa sa isang statement ng China ang mga tauhan ng nasabi ng Chinese vessel. Sabi pa ng statement, huwag nang palakihin ang isyu.

Sa pamahalaan ng China, hindi ito pagpapalaki ng isyu o paghabi ng kasinungalingan sapagkat totoong nangyari, at ang mga lulan ng bansang pangisda na pawang kababayan natin ay nagpapatotoo na sinadyang banggain ang kanilang fishing boat. 

Ngayon pa lang ay dapat nang umalis ang pamahalaan na siyang dapat magmalasakit sa mga kababayan nating mangingisda. 

RECTO REEF

RODRIGO DUTERTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with