^

PSN Opinyon

Busisiin at himay-himayin ang yaman ni Alvarez

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUNTIK nang tanghaling kampeon si Jefrey Cabigon, dating security aide for 2 years ni ex-Speaker Bebot Alvarez, matapos niyang ikanta ang huli at sampalin, este mali, sampahan pala ng kasong plunder tungkol sa mga pangungurakot, kickbacks at illegal transactions sa OMB - Mindanao.

Sabi nga, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kinain, este mali, hinain pala nito sa Office of the Ombudsman sa Mindanao!

Bhe, buti nga. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pagkanta ni Cabigon sa OMB - Mindanao, sinasabi niyang may personal knowledge diumano siya sa mga salaping dumaan kay Bebot at kay Edwin Jabahib mula noong 2016 up to 2019?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikinanta ni Cabigon si Bebot, na bumili ng mga lupa sa Samal sa halagang P500 million; Panabo, P74 million; Tagum, P20 million; Siargao, P500 million at iba pang lupa outside Davao del Norte.

Ang pagbili umano ng mga magagarang tsikot na may halagang P26 million na ang 10 dito ay bullet proof pickups bilang komisyon diumano ay ilan lang sa mga ikinanta ng nagreklamong sekyu aide.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, billion of pesos ang umano’y pondo na ginamit sa pagbili ng mga lupa sa iba’t-ibang probinsiya gaya ng Abra, Benguet, Ilocos, Davao City, Palawan, Cebu, Compostela Valley at Bohol.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Cabigon, dalawang taon lamang naging Speaker si Alvarez pero napakaraming pondo umano ang isiningit diumano sa General Appropriations Act?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa salaysay ni Cabigon, isa sa paningit na ginawa ni Bebot ay ang paglagay ng Tagum flyover na umano’y walang program of works sa gobyerno kaya naman ikinagulat daw ito sa DPWH.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Cabigon ay nananawagan sa DOJ na ilagay siya sa Witness Protection Program.

Sabi ng singer, chop - chop daw sa 5 phases ang diumano’y isiningit sa GAA?

Naku ha!

Ayaw na ayaw ni Inday Sara ang mga ganitong style na panira sa administrasyon ng kanyang erpat na si Boss Digong.

Sinibak last year si Bebot bilang House Speaker at pinalitan ito ni dating Pangulo at ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Abangan.

Si Gov. Imee Marcos at ang motorcycle taxis

PINURI ni Senatorial candidate at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang decision making ng DoTr na nagpapahintulot sa pagpapatakbo ng motorcycle taxis sa Philippines my Philippines para sa 6-months test run.

Sabi nga, ang isang ordinaryong commuters ngayon ay mayroon nang pagpipilian para sakyan at maiwasan ang pagsisikip sa traffic. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang desisyon ng DOTr ay pakikinabangan ng mga mahihirap na madlang Pinoy na hindi gumasta para sa taxi at Transport Network Vehicle Services.

Sabi ni Marcos, ang Angkas ay nagbibigay sa mga commuters ng mura at mabilis na point-to-point transportation sa gitna ng mabigat na trapiko sa Metro-Manila partikular sa tinaguriang  ‘EDSA mega parking area.’

Banat ni Marcos, araw-araw na pasakit sa madlang people ang trapik sa Metro Manila. Hindi lang ito usapin ng bawas kita para sa mga naiipit sa traffic, may negative impact pa ito sa kalusugan ng mga commuters na ilang oras ang ginugugol at nasasayang sa trapik.

Binati ni Marcos ang ride-hailing firm Angkas para ma­bigyan ang may 27,000 motorcycle riders ng greenlight para makapagpasada.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pilot run ay sasaklawan ng Angkas motorcycle-riders sa Metro Manila at Cebu simula sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang pilot run para masubukan ang katatagan at mapatunayan ang mga benepisyong hatid ng murang motorcycle taxis para sa mabilis at ligtas na paraan upang magdala at maghatid ng mga passengers nila sa mga lugar ng trabaho.

Abangan.

BEBOT ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with