^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paalisin ang mga barko ng China sa Pag-asa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Paalisin ang mga barko ng China sa Pag-asa

KUNG totoo ang sinasabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsampa na ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest sa China tungkol sa pananatili ng mga barko nito sa Pag-asa at sa pagharang sa mga Pilipinong ma­ngingisda, maaaring magkaroon na ng kasagutan sa mga isyung  ito sa mga susunod na araw. Sabi ni Panelo, hihintayin na lang daw ang sagot ng Beijing sa protesta ng Pilipinas. Ayon pa sa Presidential Spokesman, inihain ang protest dahil nagmamatigas ang China na alisin ang kanilang mga barko sa paligid ng Pag-asa Island na teritoryo ng Pilipinas.

Sana ay magkaroon na ng resolusyon ang problemang ito at mapahinuhod ang China na alisin ang kanilang mga barko. Kung tunay silang kaibigan, base sa pagtuturing ni President Duterte, dapat ay igalang nila ang napagkasunduan sa sea dis­pute. Hindi sila dapat magmatigas sapagkat ang kanilang presensiya sa Pag-asa ay nagbibigay ng pangamba na pagsimulan ng gulo. Kamakailan ay nagbanta pa ang China sa US na huwag gamba­lain ang kata­himikan ng South China Sea. Iisa lamang ang ibig sabihin ng banta, handa silang lumaban sa sinuman na sa kanila ay makikialam.

Kung talagang kaibigan ni Duterte si Chinese President Xi Jinping, pakiusapan niya ito. Laging sinasabi ng Presidente na matibay daw ang pakiki­pagkaibigan ng Pilipinas at China. Wala raw makabubuwag sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Nakatakdang mag-usap si Duterte at Xi sa susunod na linggo. Dadalo si Duterte sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing. Ayon sa Malacañang, kaka­usapin daw nang masinsinan ni Duterte si Xi ukol sa presensiya ng mga barko sa Pag-asa. Sana, magkaroon ng positibong resulta ang pag-uusap.

Sana, maipakita ng China ang tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan. Dito malalaman kung ano talaga ang hangad ng China sa bansang ang turing sa kanila ay kaibigan.

CHINESE SHIP

SOUTH CHINA SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with