^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itinaboy na naman ang mga mangingisdang Pinoy?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itinaboy na naman ang mga mangingisdang Pinoy?

MARAMING beses nang nangyari ito at walang ginagawa ang pamahalaan para maprotektahan ang mga mangingisda sa paligid ng Pag-asa Island na teritoryo ng Pilipinas. Noong nakaraang linggo, hinarang at itinaboy na naman ng Chinese vessels ang mga mangingisdang Pinoy. Ayaw silang pangisdain sa paligid ng  isla na pag-aari naman ng bansa. Walang nagawa ang mga Pinoy kundi umalis. Lumung-lumo sila sa pangyayari sapagkat ang pangingisda sa nasabing lugar ang tangi nilang pinagkukunan ng ikabubuhay. Maraming isda silang nahuhuli sa lugar kaya malaking tulong iyon sa kanilang ikabubuhay. Hindi ito ang unang pagkakataon na itinaboy ng Chinese vessels ang mga mangi-ngisdang Pinoy.

Nakapagtataka na walang ginagawang hakbang ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kaso ng mga mangingisda. Isang linggo na ang nakalilipas subalit wala pang inihahaing diplomatic protest ang DFA sa ginawa ng Chinese vessels. Nang tanungin ang Malacañang ukol dito, tanging ang DFA mismo ang may karapatang maghain ng reklamo para matigil ang ginagawang pagtataboy ng mga Chinese sa mangingisdang Pinoy. Mariing sinabi ng Malacañang na hindi tama ang ginawang pagtataboy sa mga mangingisda.

Lagi na lamang bang magsasawalang-kibo ang pamahalaan sa mga nangyayaring pangha-harassed? Tiyak na paulit-ulit itong mangyayari sa  hinaharap sapagkat walang inihahaing protesta. Hindi titigil ang mga tusong Chinese sapagkat alam nilang hindi kumikilos ang ang pamahalaan.

Hahayaan na lamang bang ganito ang asalin ng mga Chinese habang naghahanap ng ikabubuhay sa sakop na teritoryo ang mga Pinoy? Legal ang ginagawa ng mga mangingisdang Pinoy pero ayaw kumilos ang pamahalaan para maghain ng reklamo o protesta. Kailangang magpakita na ng tigas ang Pilipinas sa ginagawang ito sa mga kababayan. Huwag hayaan na sila’y basta na lang ipagtabuyan!

CHINESE VESSELS

PAG-ASA ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with