^

PSN Opinyon

MTPB chief nasa ‘hot water’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG naging resource person man noon ng mga repor­ters at photographers ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa gabi-gabing kaganapan sa trapiko sa Lung­sod­ ng Maynila itong si Markbien Urrieta, head ng Manila Traffic and Parking Bureau abay, hindi na ngayon. Kasi nga maging ang kanyang mga ka-baro at mga tauhan ay isusuka na siya ngayon matapos ang naka­kahiyang pangyayari.

Maging ang pamilya nito ay maaapektuhan dahil ang kanyang mga biktima ay mga isang kahig at isang tuka lamang upang may maipakain sa kanilang pamilya. Hehehe! Itoy matapos na mahuli sa aktong abutin ang P6K na mark money mula sa isang drayber/negosyante ng gulay sa isinagawang Entrapment Operation ng Philippine National Police- Counter-Intelligence Task Force sa harap mismo ng Manila City Hall noong umaga ng Lunes. Halos hindi makapaniwala ang mga reporters at photographers sa sinapit na kahihiyan ni Urrieta, kasi nga ay malaki ang na­itulong nito sa mga istoryang may patungkol sa kaganapan ng mga trapiko, lalut- lalo na yaong may kinalaman sa kotongan sa kalye na kinasasangkutan ng mga enforcers ng MTPB.

Ang matindi nito si Urrieta ay hepe ng MTPB Anti-Sca­lawag and Cleansing Section sa kaharian ni Manila mayor Joseph Estrada kung kayat sampal ito sa administration ni Estrada. Di ba mga suki? Maging si CITF director P/SSupt. Romeo Caramat Jr mismong si Urrieta ang tumanggap ng datung kung kaya’t malinaw na siya nga ang may kabulastugan sa mga pangongotong sa mga bya­hero ng gulay sa Divisoria, ang matindi pa nito ay mara­ming mga driver’s license  at datung na umaabot sa P306,000 ng madakma ito. Kayat maging si mayor Estrada ay nagpuyos at kumunot ang nuo ng mabalitaan na itong si Urrieta ay kinaladkad ng mga CITF operatives patungo sa Camp Crame at kasuhan ng Robbery Extorsion. Gusto ni mayor Estrada na kasuhan at mabulok sa selda ang isang volunteer enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na naaresto ng PNP-Counter Intelligence Task Force dahil sa pangongotong. Ayon sa nagpupuyos at galit na galit na alkalde, hindi na dapat pang payagang mag-volunteer ang isang Markbien Urrieta na nahuli sa entrapment habang tinatanggap ang P6,000 marked money mula sa biyahera ng gulay. Sinabi ni Mayor Estrada na walang puwang sa MTPB ang mga iskalawag na ginagamit ang posisyon para manggipit ng mga mahihirap. Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Estrada si MTPB Chief Dennis Alcoreza na mag-imbentaryo ng kanyang mga enforcers at tiyaking wala nang volunteer sa bureau. “Kaya naman malakas ang loob na mangotong nyan kasi walang pananagutan, tama na yang volunteer enforcers, alisin na lahat yan dahil sinisira nila ang reputasyon ng pagiging lingkod-bayan,” sabi pa ni Estrada. Sa bahagi ni Alcoreza, tiniyak nito kay Mayor Erap na tututukan ang kaso ni Urrieta upang matiyak na makukulong ito sa kasong robbery extortion. Sanay maging eye opener na ito sa lahat ng mga MTPD enforcers at sa lahat ng mga enforcers sa Metro Manila upang di nila sapitan ang nakakahiyang situwasyon sa buhay. Maging mapagpahalaga naman sana kayo sa inyong trabaho dahil pinasasahod kayo ng taong bayan upang magsilbing taga pagsaayos ng daloy ng trapiko. At bilang empleyado ng City Hall, kayo ang dapat na maging ehemplo ng taong bayan upang mapanatali sa puwesto ang inyong Mayor at mga Boss. 

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

MARKBIEN URRIETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with