Walang special treatment
SINIMULAN kahapon ng truckers at brokers ang kanilang welga para iparating ang kanilang mga karaingan sa kinauukulan gaya ng mga sumusunod: Pagbabayad ng additional demure, storage fee at mataas na shipping charges na dating binabayaran lang ng 6,000 kada 40ft at wala pang container deposit; Pagtaas ng bayad sa trucking na halos doble at minsan triple pa; Motibo ng mga port operator na sila na mismo magbobroker at mag-trucking sa mga kargamento, epekto nito lahat ng charges ng brokerage ipapasa sa mga importer.
Sa sector ng trucking: Kawalan ng soli ng empty containers; TABS penalty na kahit sobrang trapik ay patuloy na pinapatawan ng ICTSI at ATI; Kawalan ng slot ng tabs kahit nandiyan na ang truck kaya mapipilitan mag early grace in na nagkakahalaga ng P1,625; Mataas na pag-areglo sa mga shipping line at container yard na umaabot ng P3,000; Pananamantala ng traffic enforcers sa mga truck na nakapila sa container yard katulad ng FJP, NCT, IRS Navotas at One Stop Maysilo.
* * *
Isang malaking diyaryo ang nagsabi na kapag pulis ang nakulong, maaring nabibigyan ng special treatment. Nangamba si NCRPO Director, Gen. Guillermo Eleazar nang mabasa ito. Kaya binisita niya ang presinto na kinapipiitan ni PO1 Eduardo Valencia, ang pulis na inakusahan ng rape ng isang menor de edad. Ang mga magulang ng biktima ay nahuli ni PO1 Valencia dahil sa pagtutulak ng droga. Nakita ni Eleazar na si Valencia ay nasa regular na piitan. Sabi niya, “The misuse and abuse of authority by any government official, especially a policeman, is a bigger crime because the culprit is a person of authority. Using his position and uniform to intimidate and coerce ordinary citizens to give in to his evil designs is wicked and unforgivable in my book.”
Kinabukasan, nilabas naman ng mga diyaryo ang pagbisita ni Eleazar sa naturang presinto pero ang malaking diyaryo ay hindi ito inilabas. Sa pag-interview ng mga media reporter sa hepe ng presinto kung saan nakapiit si Valencia, sinabi nito na hindi sila nagbibigay ng special treatment sa mga nakakulong na pulis. Alam nila na prayoridad ni PNP chief Oscar Albayalde ang paglilinis sa police scalawags. Nirerespeto raw nila na si Eleazar, kung kaya inilalagay nila sa lugar ang trabaho nila.
- Latest