^

PSN Opinyon

Illegal radio stations gigiyerahin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGSANIB ng puwersa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Telecommunications Commission (NTC) laban sa mga illegal broadcast station. Sumusulpot ang mga iyan tuwing nalalapit ang eleksyon at binibiktima ang mga kandidatong kinukunan nila ng political ad placement tapos bigla nalang magdi-disappear.

Ayon kay Erwin Galang, noong 2017, umabot sa 2,054 ang kaso ng mga iligal na broadcast station na naitala ng Broadcast Services Division ng NTC. Mismong ang NTC ang nagsiyasat sa ilang kaso ng mga hindi lisen­syadong himpilan.

Sa pagtutulungan ng KBP at NTC, maraming iligal na radio station ang napigil sa kanilang panggagantso. Kapag mapadalhan ng cease and desist order ng NTC ay kusang naglalaho ang mga ito, ayon kay Galang. May mandato ang NTC, na magsiyasat at magpalabas ng cease-and-desist order at show cause order laban sa mga iligal na broadcast station.

Ayon naman kay Deputy Commissioner Edgardo Ca­barios, ang mga naunang kooperasyon at ng NTC at KBP ay sumugpo sa mga fly-by-night radio station, lalo na sa mga lalawigan. Karaniwang naglalaho na ang mga iligal na brodkaster matapos makatanggap ng bayad para sa mga political ads ng kanilang mga nabibiktimang politiko.

Para sa akin, hindi lang cease and desist  order ang dapat ipataw sa mga ganyang radio stations kundi dapat mabilanggo ang mga dapat managot.

Kinumpirma rin ni COA Auditor Ma. Jocelyn Factora, ang resident COA auditor noong 2017, na halos lahat ng mga kasong administratibo na hawak ng NTC ay laban sa mga iligal na broadcast station at hindi tungkol sa reklamo ng mga telco consumer. “Ilan lamang ang mga kasong may kaugnayan sa telco,” ani Factora.

KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with