^

PSN Opinyon

Istoryang airport

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

P1.5 million ang laman ng bag na naiwanan ng isang pasahero sa Puerto Princesa Airport pero naibalik agad ito sa kanya  sa tulong ng airport security personnel.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi malaman ng isang Danilo Dequito ang kanyang gagawin ng tanggapin niya ang naiwanang salapi na nakapaloob sa isang brown envelope mula sa PNP - Aviation Security Group.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagahe ni Dequito ay naiwanan sa isang sulok ng arrival area ng paliparan kaya naman nagduda ang mga autoridad dito at agad nagpatawag ng K9 unit para amuyin ng aso kung bomba ba o droga ang laman ng kulay asul na bagahe.

Laking gulat ng mga autoridad ng makitang limpak-limpak na salapi ang laman ng bag.

May identification card sa bagahe kaya naman nakilala nila ang may-ari nito kaya mabilis siyang inimpormahan.

Sabi nga, ang katapatan ang siyang mahalaga sa isang tao.

Kambiyo issue, kabaligtaran ang nangyari sa Palawan kaysa sa NAIA dahil isang janitor ang sinibak sa serbisyo matapos nitong pakialaman ang isang bakpack ng isang pasahero sa NAIA Terminal 1.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Rocky Catapang 25, ng Philcare Janitor services na  nakatalaga sa departure area ng terminal 1 ang matapang ang apog na kumuha ng cellphone sa backpack ng isang pasaherong tsekwa na naiwanan nito sa upuan ng waiting area na nasa pre-departure area.

Imbes na dalhin ang bag sa lost and found ni Catapang nagkaroon pa ito ng interes na nakawin ang hindi nito pag-aari.

Ang masama ay nakita siya sa CCTV camera na nagkalat sa paliparan. Hehehe!

Sabi nga, malas!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inamin ng janitor ang kasalanan niya nang makita niya ang sarili sa CCTV camera.

Ika nga, adios amigo!

Buti nga.

* * *

NAIA hightened alert

MAS makakabuti sa mga departing passengers na dumating nang mas maaga sa airport dahil matindi ang busisian sa mga bagahe ng mga pasaherong papasok sa departure area.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagdagdag ng security sa checkpoints ang pamunuan ng MIAA para sa mga gagawing inspeksyon sa mga sasakyang papasok dito.

Ang mga K-9 units bomb and drugs sniffing dogs ay nakaalerto na rin at nakakalat na sa iba’t-ibang lugar.

Ang pangyayaring ito ay dahil sa nangyaring car bomb sa Lamitan, Basilan na ikinamatay ng mara­ming tao at pagkasugat ng iba pa.

Kasama sa namatay ang suicide bomber na nasa loob ng sasakyan.

Inaalam pa ng militar kung sinong grupo ang gumawa nito.

Abangan.

PUERTO PRINCESA AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->