^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pag-aarmas sa mga pari

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pag-aarmas  sa mga pari

TATLONG paring Katoliko na ang pinapatay at dalawa sa kanila ay isinagawa ang krimen habang nagmimisa. Unang pinatay si Fr. Marcelito “Tito” Paez, 72, noong Dis. 4, 2017 sa Jaen, Nueva Ecija. Minamaneho ni Fr. Paes ang kanyang kotse nang pagbabarilin ng riding-in-tandem. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naaaresto sa mga pumatay sa pari. Hindi malaman ang motibo sa pagpatay sa pari na ayon sa parishioners ay mabait at wala namang kaaway.

Masaklap naman ang pagkakapatay kay Fr. Mark Anthony Ventura, 37, noong Abril 29, 2018 sa Gattaran, Cagayan sapagkat isinagawa iyon pagkatapos niyang magmisa. Hanggang ngayon, wala pa ring naaaresto sa pagpatay kay Fr. Ventura. Palaisipan ang pagpatay sa pari sapagkat wala naman daw itong kaaway at maraming kaibigan.

Noong Linggo, mag-uumpisa na sa pagmimisa si Fr. Richmond Nilo, 44, sa Nuestra Señora de la Nieve Chapel sa Zaragoza, Nueva Ecija nang pagbabarilin ng dalawang lalaki. Ayon sa report, binaril ang pari mula sa bintana ng chapel.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspect habang dinadaluhan ng mga nagsisimba ang bumulagtang pari. Namatay ang pari sa mga tama ng bala sa katawan. Ayon sa Philippine National Police (PNP) mayroon na silang lead sa gunmen.

Umalma naman ang Simbahang Katoliko dahil sa mga sunud-sunod na pagpatay at wala pang nahuhuli sa mga kriminal. Ayon kay Archbishop Socrates Villegas, unti-unting pinapatay ang kanilang mga pastol. Unti-unting pinapatay ang kanilang pana­nampalataya.

Sabi naman ng PNP, bukas sila sa planong armasan ang mga pari para maproteksiyunan ng mga ito ang sarili. Kung ito anila ang paraan, pabor sila na magdala ng baril ang mga pari.

Hindi maganda ang balak na ito ng PNP. Sa halip na tugisin ang mga salarin, pagdadala ng armas ang kanilang sinusulong. Hindi maganda ito. Tuturuan lamang na maging magulo ang lipunan dahil sa balak na ito. Mas maganda kung paigtingin ang police visibility, samsamin ang mga loose-firearms at magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa barangay para malaman ang mga kahina-hinalang tao sa lugar na nasasakupan.

PARING KATOLIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with