^

PSN Opinyon

12 cultural dancers kuno hinarang ng NAIA – BI

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI pinayagan makasibat ng Philippines my Philippines papuntang Macau ang 12 madlang Pinoy matapos magduda sa paiba-ibang statements ng mga ito habang kinakausap ng immigration officers sa NAIA Terminal 3, noong nakaraan linggo.

Ibinida ng mga pasahero na sila ay mga cultural dancers, pupunta sa Macau para mag-perform doon.

Ang siste, ayaw silang paniwalaan ng BI dahil hindi magtugma ang kanilang mga sinasabi sa ginawang question and answer sa mga ito.

Bakit hindi nila masagot kung kailan itinatag ang kanilang dance group sa Philippines my Philippines?

Naku ha!

Ano ba ito?

Pinagdudahan sila nang tanungin sa immigration departure counters kaya ng malabuan sa kanilang sagot ay ibinigay sila sa BI - Travel Control Enforcement Unit para ito ang magsagawa ng malaliman questions and answers.

Hindi na natin papangalanan ang mga hindi pinalad na makalipad going to Macau kasi nakakaawa naman kung babanggitin pa natin ang mga pangalan at mga details kung bakit sila pinigilan makaalis.

Sabi ni Denieve Binsol, BI - Terminal head ng TCEU, hindi magkakatugma ang kanilang mga pahayag hindi nila masabi kung kailan naitatag ang grupo nila bilang cultural dancers ?

Matapos ang tanungan blues sa BI - TCEU, ang mga ito ay inilipat sa NAIA - IACAT para sa investigation at appropriate action.

* * *

Mayor Sonny O.,  tubong lugaw?

PINAIIMBESTIGAHAN  sa Ombudsman si dating Senador Sonny Osmeña ng kanilang dating kapitbahay dahil sa diumano’y pang-aabuso sa kaniyang kapangyarihan sa pagkuha ng lupain sa kanilang siudad sa Cebu.

Si Osmeña, na ngayon ay alkalde na ng Toledo City, ay gumawa umano ng paraan para palakihin ang kaniyang pagma-may-ari ng lupa?

Ang problema nito, kumain ng 1,500 square meters sa pag-aari ng pamilyang Baena.

Lalong nagkagulo nang sa loob daw ng lupain na binili ni Thomas Baena Sr., noong 1973 itinayo mismo ni Osmeña ang kaniyang bagong gusali matapos nitong bakuran ang paligid.

Ayon kay Angelica Baena Hawkins, ang lupaing ito ay pagmamay-ari na ngayon ng kaniyang ina na si Jean Libre Baena kasama ang 12 nilang magkakapatid.

Dahil na rin may problema umano si Osmeña kumuha siya ng abogada, Si Rizalina Rafols Dulfo na dating Head ng Register of Deeds sa Toledo City at pinapirma daw ang kaniyang  ina na ibenta ang lupa nila sa halagang P300,000.

Dahil kolektibong pagmamay-ari nilang lahat,  wala naman daw sa posisyon ang kaniyang ina na ibenta itong mag-isa. 

Ngayon, bigla namang ibinenta umano ni Mayor ang lupa sa isang third party na nagmamay-ari ng Estrella del Mar resort sa Cabitoonan.

Siempre nagalit silang magkakapatid nang malaman nilang hindi na pala sa kanila ang lupa at ibinenta pa ni Mayor Osmeña na tubong lugaw.

Aba, ang alam nila P30 milyon umano ang halaga?

Dahil may problema na, inatasan ni Mayor si Atty. Dulfo para mag-isyu ng “cancellation of deed of sale.”

Natuwa naman daw sila dahil maibabalik sa kanila ang minanang lupain. Pero ‘eto na yung huling bumili ng lupa, na ngayon ay kilala na bilang Tanon Vista Resort,  pinanindigan na sa kanila na ang lupa dahil naibenta nga sa kanilang ni Mayor.

Lalung nagkaletse-letse nang biglang inaprubahan umano ng Assessor’s Office of Land Appraisal and Assessment ng Toledo City, na pinirmahan ni Epifania Altomia ang legal na pagbebenta ni Mayor Osmeña sa Tanon Vista Resort.

Ayon kay Angelica Baena Hawkins, sa City Assessor’s Office lumabas mismo diumano ang isang “fabricated” na document ang titulo  na pinaliliit na ang lupain ng mga Baena dahil nga daw nabili na ni Osmeña  ang isang bahagi nito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abuso na raw talaga.

Dahil nga si Osmeña ay isang opisyal ng lungsod at kilalang pulitiko, minabuti na raw nila na humingi ng tulong sa Ombudsman.

Hhhm... Mukhang malaking problema nga.

Abangan.

NAIA TERMINAL 3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->