Bawal ang tamad, tiwali at bobong chairman at mga SK!
ANG inyo bang barangay, bobo ang chairman? Walang ibang ginawa kundi magpalaki ng kuwan at matulog sa pansitan?
Nagkalat ang mga basura sa komunidad, inuman to the max sa mga kalsada. Nasaan si Kapitan? Nandoon, nangungulangot sa opisina. Iba naman, abala sa droga.
Hindi n’yo magugustuhan ‘tong sasabihin ko. Nasasaktan ba kayo, mga chairman? I don’t care. Bato bato sa langit, ang tamaan mabubukulan.
Sama niyo na rin dito ‘yung mga tangang Sangguniang Kalokohan, este, Kabataan o SK. Marami sa mga ito, bubot pa lang, naimpluwensyahan na ng katiwalian.
Hinuhubog na ang kanilang isipan ng mga tangang chairman. Garbage in, garbage out. Asahan mo tanga at tiwali rin lalaki ‘yung SK.
You guys should be in school, studying humanities and everything. Bakit pulitika ang inaatupag niyo?
Nagiging breeding ground for future trapos. Yung iba, gustong kapunin para di na dumami -- abolish na lang itong lintik na SK.
Tutal wala naman kayong silbi sa mata ng karamihan, tanggalin na lang. And I agree.
‘Yun nga lang, malabong mangyari dahil tuloy na tuloy na ang eleksyon. So how do we solve this problem?
Mga botante, kilatisin niyong maigi ang mga kandidato. Kayo rin naman ang magdurusa kalaunan.
Alamin niyo kung sino ang matino at sino ‘yung pakamay-kamay lang tuwing eleksyon. Payo ni BITAG, bawal ang B-T-T-T: bobo, tanga, tamad at tiwaling mga opisyal.
Dito naman sa mga SK, ‘wag kayong matakot sa mga pulitikong tiwali. Fear God. Sa Diyos kayo matakot, ‘di sa mga sagradong baka’t mga poon nila.
Report niyo sila sa amin o sa akin. I’ll take them on and expose them.
Ituwid ang mali. Ipakita n’yong kayo’y talagang useful bilang leader at role model. Hindi role model sa paggamit ng droga.
- Latest