^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagbayarin at kasuhan ang Mighty Corp.

Pilipino Star Ngayon

Hindi makatwiran ang offer ni President Rodrigo­ Duterte sa may-ari ng cigarette company Mighty Corporation na magbayad na lang P3 bil­yon sa tax case nito at kalilimutan na niya ang lahat. Ang makukuha raw na P3 bilyon sa Mighty ay ipagkakaloob naman niya sa tatlong hospital sa bansa – sa Sulu, Basilan at sa Maynila. Ka­ilangang doblehin daw ng may-ari ng Mighty na si Alex Wongchuking ang ibabayad at amanos na sila. Si Wongchuking ay binantaan ng Presidente na ipaaaresto dahil sa pandaraya sa buwis Ayon sa report, handa raw magbayad ang Mighty ng P1.5 billion bilang settlement sa tax case.

Sinalakay noong nakaraang linggo ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga bodega ng Mighty sa Gen. Santos City at San Simon, Pampanga at nakitang ang mga sigarilyo hindi pa bayad ang buwis na nagka­kahalaga ng P1.5 billion. Pero ang matinding na­tuklasan ng BOC at BIR ay ang mga pekeng tax stamps sa mga sigarilyo na nakumpiska sa Ports ng Cebu at Tacloban noong Martes. Tinatayang P6 milyong buwis ang natalo sa gobyerno dahil sa mga pekeng stamps. Noong nakaraang buwan, nakakumpiska rin ang BIR at BOC ng Mighty cigarettes sa Cebu na may mga pekeng stamps na ikinalugi ng pamahalaan sa halagang P2.49 million.

Maraming kasalanan ang Mighty Corporation kaya dapat lamang na kamtin nito ang karam­patang­ parusa na nakasaad sa batas. Aminado na­man sila at nakikipag-areglo na nga. Pero ang sinabi ng Presidente na magbayad na lamang ito ng P3 bilyon at quits na sila. Wala na raw aalala­hanin ang Mighty. Hindi dapat ganito ang mangyari sapagkat maaaring gayahin ng iba pang kom­panya ang ginawa ng Mighty na pandaraya at makikipag-areglo lang at lusot na. Masamang ha­lim­bawa kung idadaan sa usapang aregluhan ang ganitong usapin.

Kasuhan ng tax evasion ang Mighty at ganundin ng falsification para malaman nila ang bigat ng ginawa. Mayroon namang korte na dapat pagdaanan nang lahat.

MIGHTY CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with