^

PSN Opinyon

Huwag abusuhin ang Laguna Lake

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAPAPALIGIRAN ng iba’t ibang siyudad at bayan ang Laguna Lake. Hindi maiwasan ng mga taong kulang sa pag-iisip o walang mga disiplina sa sarili na abusuhin ito. Samantalang kung tutuusin malaki sana ang pakinabang sa tubig ng lawa. Puwede itong pagkunan ng isda, taniman ng gulay tulad ng kangkong, puwede na ring pagkakitaan ang nakatanim ditong water lily. Ang ibang nakatira sa tabi ng lawa ay dito nagtatapon ng kanilang mga basura may mga pabrika ring dito nagtatapon ng mga dumi kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilinaw ang tubig nito.

Merong Laguna Lake Development Authority (LLDA) kung saan sila dapat ang nangangalaga sa lawa. Ang tanong ko ay ito, ano ba talaga ang trabaho ninyo diyan? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang malinis ang Laguna Lake. Baka patulug-tulog lang kayo sa pansitan.

Ngayon ipinag-utos ni Pres. Digong na tanggalin lahat ang fishpens sa Laguna Lake para tuluyang luminis. May ibang parte ng siyudad na dito kumukuha ng tubig. Nagalit ang may-ari ng fishpens pero wala silang maga-wa, ngayon nagkusa na ring magtanggal ng kanilang fish cage. Sa palagay ko sa tagal nilang napakibangan ang Laguna Lake ay nakaipon na sila ng pera para magtayo ng panibagong pagkakakitaan.

Pabor ako sa ginawa ng Presidente dahil kung tutu-usin ay para rin sa ating lahat ito. Dahil kung patuloy pa rin nila itong aabusuhin baka wala nang abutan ang mga susunod na henerasyon at tayo ang magdurusa.

Alam naman natin na kapag uminit ang ulo ni President Digong. Hindi siya puro salita kundi gumagawa.

LAGUNA LAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with