^

PSN Opinyon

Nataranta?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SIGURADO ako na hindi ito iniyakan ni PNP chief Dir. Gen. “Bato” dela Rosa, kundi ikinagalit. Kuha sa CCTV ang pagkataranta ng dalawang pulis-Pasig nang biglang pumasok sa isang convenience store ang biktima ng pamamaril. Kita sa CCTV na bumunot nga sila ng baril pero naghanap ng tataguan sa likod ng tindahan, habang pumasok ang namaril at tinapos ang biktima. Sa madaling salita, hindi nila natulungan ang biktima. Kaya wala nang tiwala ang ama ng biktima sa mga pulis, kung ganyan lang ang kanilang kilos kapag may gulo.

Ilipat sa Mindanao. Ito ang naging pasya umano ni “Bato” sa dalawang pulis Pasig. Unang lumabas na isasailalim sila sa mas matinding pagsasanay, pero mukhang nagbago ang isip ng PNP chief at tila napa­hiya na naman ang organisasyon. Baka mas mahasa ang dalawa sa Mindanao. Nakakahiya nga namang makita ang mga pulis na tumatakbo at nagtatago kapag may gulo.

Napag-alaman na ang biktima ay kilalang adik at tulak-droga. Pero bago kayo magsabi na “ganun naman pala”, alam na ba ng mga pulis-Pasig iyon? Hindi ba ang layunin ng mga pulis ay manilbi at magbigay ng proteksyon sa lahat? Kung nahuli o nabaril nila ang mga pumatay sa biktima, sana nalaman nila ang mga nasa likod ng extrajudicial killings. Sana nalaman kung sino nga itong mga nanghuhusga na walang proseso. Ayoko lang isipin na kung sakaling nagkaputukan ang mga pulis­ at ang pumatay sa biktima, may sisigaw na naman ng “tropa, tropa!”

Hindi maalis sa isip ng marami kung ganito nga kumilos ang ilang pulis, bukod sa dalawang pulis-Pasig. Hindi ba pare-pareho naman ang kanilang naging pagsasanay bago maging pulis? Ibig sabihin, kulang ang pagsasanay nang marami? Kung kulang, eh di kumpletuhin na para sa lahat, hindi ba? Para hindi maulit ang nakita sa CCTV. Para hindi naman maging masama na naman ang imahe ng PNP. Pwede nga itanong, na bakit sa mga biglang “nanlaban” ay tila handang-handa ang mga pulis mamaril, pero sa ganitong sitwasyon, natataranta sila? Hindi ba biglaan din naman ang mga sitwasyon kung saan nanlaban ang mga suspek? O inaasahan na ng mga pulis na manlalaban kaya handa na?

NATARANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with