^

PSN Opinyon

Nabulaga tayo ni Trump

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

GINULAT ni Donald Trump ang buong mundo. Maraming manunulat, kasama na ako ang nagulat sa mga pangyayari. Hindi ko akalain na si Trump ang mananalong Presidente sa pinakamayaman at makapangyarihang bansa sa buong mundo. Akala ko sa wakas ay magkakaroon na ng unang babaing Presidente ang US. Tulad nina Cory at Gloria ng Pilipinas at marami pang bansa na ang kanilang Presidente ay babae. Para sa akin ang mga babae sa ngayon ay may kakayahan na ring mamuno sa pinakamataas na puwesto sa lipunan. Kung ang pagbabasehan ay popular vote panalo rito si Hillary Clinton, kaya lang meron silang tinatawag na “Electoral College” kung saan dito siya tinalo ni Trump.

Hindi maganda ang imahe ng ating bansa kay Trump. Aniya ang Pilipinas ay isa sa pitong bansa na namamayagpag ang terorismo kaya karamihan sa ating mga kababayan sa nakabase sa US ay nangangamba dahil baka sila ipa-deport ni Trump. Nakakabahala rin ang sinabi nya noong panahon ng kampanyahan na America First Policy. Baka pabalikin na niya ang mga Amerikanong namumuhunan sa ating bansa.

Pagkatapos ng election sa US, nagtalumpati na si Pres. Donald Trump at hinikayat ang lahat na panahon na para magkaisa. Wala akong tiwala kay Trump sapagkat nung siya’y nangangampanya pa, kapag siya raw ay natalo hindi raw niya ito tatanggapin. Ganyang tao si Donald Trump, hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

Malaki ang pagkakapareho ni Pres. Donald Trump at Pres. Digong Duterte. Pareho silang palamura at madaling magalit o mapikon. Hindi muna pinag-iisipang mabuti ang mga salitang lumalabas sa bibig. Wala silang pakialam kung nakakasakit na sila sa ibang tao. At kung akala ni Digong na magiging magkaibigan sila ni Trump, ‘yan ay isang panaginip lang. Tatalikuran lang siya ni Trump.

Hinding-hindi sila magiging magkaibigan. Huwag nang umasa si Digong na ito’y magkakatotoo.

vuukle comment

TONY KATIGBAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with