^

PSN Opinyon

Dismaya, lungkot, galit

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG isa ka sa mga umaasa na magiging pabor ang desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng pagpigil ng paglilibing kay dating Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, alam mong bigo ka na. Sa botong 9-5-1, pinayagan ng mataas na hukuman ang hiling ng pamilya Marcos, na tinu­tulan naman ng mga biktima ng martial law, na mailibing ang dating diktador sa nasabing libingan.

Laking pasasalamat ng pamilya Marcos kay Pres. Rodrigo Duterte, na matagal nang sinasabi na pabor siyang mailibing si Marcos sa Libingan. Pero tulad ng inaasahan, marami ang nagpahiwatig ng lungkot, dismaya at galit sa naging desisyon ng hukuman. Ilang beses ipinagpaliban ang desisyon, hanggang sa lumabas ang pinal na pasya. Hindi binigyan ng kahalagahan ang mga inihaing petisyon ng mga grupong kontra sa pag­libing kay Marcos sa Libingan.

Ngayong lumabas na ang desisyon, ano naman kaya ang epekto nito sa bayan? Siguradong hindi ito makakalimutan nang marami, partikular ang mga naging biktima ng martial law. Marami pang kaso ang hindi pa nadedesisyunan hinggil sa paglabag sa karapatang pantao, pati ang mga insidente ng mga nawawala at napatay noong martial law. Pero alam naman natin ang katayuan ng administrasyong ito sa karapatang pantao, hindi ba?  

Nakaukit na ito sa kasaysayan. Hindi na makakalimutan ang Nobyembre 8. Hindi nakapagtataka na ang mensahe ng Palasyo at mga kaalyado nito ngayon ay patawarin na lang si Marcos at mag-“move on na”. “Healing” naman ang nais ng pa­milya Marcos. Pero ang pagpapatawad ay kaila­ngang may kasamang hustisya, na sa ngayon ay mukhang hindi na makakamit ng mga naagrab­yado. Hindi makakalimutan ang administrasyon na naglatag ng daan para mailibing si Marcos sa Libingan. Hindi pinakinggan ang hinagpis nang marami, bunsod ng mga masasamang araw ng martial law. Nakalimutan na rin ba ang pandarambong? Mapapailing ka na lang, kung hindi man mapaiyak sa lungkot, o galit.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS SR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with