^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga magnanakaw

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT ang mga “buwaya” sa ating gobyerno. Noong bago pa lamang umupo sa puwesto si Pres. Digong Duterte, sinabi niya na mayroong tatlong ahensiya ng gobyerno na laganap ang corruption. Ito ay ang Bureau of Customs (BOC), BIR at LTO. Nu’ng isang araw sinibak sa puwesto ang isang mataas na opisyal ng Customs. Paalala ‘yung mga tauhan ng MMDA na nangongotong sa ating mga motorista lalung-lalo na sa Lungsod ng Maynila hindi pa rin naaalis sa puwesto ang mga tauhan nilang nakatalagang traffic enforcers. Meron din diyan sa Bureau of Animal Industry na isang doctor na nahuli ng NBI na nangongotong sa isang negosyante.

Kayong mga “buwaya” diyan sa gobyerno, hindi na kayo makakatakas ngayon sa Duterte administration sapagkat ang bawat galaw n’yo ay nakatimbre agad sa Presidente. Mabuti na lang at meron tayong mga makabagong teknolohiya ngayon tulad ng CCTV at Facebook. Kahit anong galaw ng bawat isa mapa-gobyerno man o civilian ay nalalaman na. Noong isang araw marami pa ring mga pasaway sa mga driver na nakapark sa “No Parking Zone”.

Ito ang magandang ginagawa ng ating gobyerno ngayon. Noong una, naniniwala ako sa sinabi ni dating Presidente Noynoy na “kung walang corrupt, walang mahirap”. Sa aking palagay, hindi niya natupad ang kanyang kompromiso sa mamamayan sapagkat laganap pa rin ang corruption at lalo na ang droga sa bansa. Ang nakakagulat pa rito matataas na opisyal ang mga sangkot.

Ngayon, mukhang malalambat na ng administrasyong Duterte ang mga kawatan sa ating bansa. Nung bago siya mag-umpisang mamuno, aniya lilinisin ang ating bansa at maganda naman ang umpisa. Ako’y naniniwala sa kanyang mga adhikain dahil lahat nang ito’y para rin sa kinabukasan ng mamamayan.

Sana magtagumpay ang Presidente sa kanyang mis­yon sa ating bansa.

TONY KATIGBAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with