Gobyerno seryoso vs narco-politics
PARA kay Pangulong Duterte, ang mga “Alcala” ang pangunahing personalidad sa sindikato ng droga sa lalawigan ng Quezon. Ang tinutukoy niya ay ang angkan ni dating agriculture secretary Proceso Alcala. Talagang seryoso ang pamahalaang Duterte ang pagsugpo sa droga lalu na sa tinatawag na “narco-politics”. Kasi tamaan ang kahit sino. Walang sinasanto.
Sana lang, huwag nang magkamali sa pagtukoy ng pangalan ang Pangulo at magso-sorry sa kalaunan.
Pursigido ang mga awtoridad na tukuyin ang iba pang high value targets (HVT), partikular yung mga opisyal na sangkot sa sindikato ng droga. Sinabi ni Sr. Supt. Antonio Yarra, police provincial director, tuloy ang ginagawa nilang pagtugis sa iba pang drug suspect sa Quezon kasunod ng pagkaaresto sa hipag at pamangkin ni dating Agriculture Secretary Proceso Alcala sa buy-bust operation sa Tayabas City.
Naaresto kamakailan si Toni Ann Alcala, 33, nang tumanggap ibenta sa buy-bust operation ang shabu na nagkakahalaga ng P10,000. Kasama nitong naaresto ang inang si Maria Fe, 58, na naganap sa mismong tahanan ng mga Alcala. Si Maria Fe ay dating asawa ni Cerilo “Athel” Alcala, kapatid ng dating agriculture secretary.
Naunang sumuko sa pulisya noong Agosto si Athel, kasama ang anak na si Sajid bilang pagpapakita na hindi na umano sila sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Sinamahan sila sa pagsuko ng kapatid na si Rep. Vicente Alcala at pamangking si City Mayor Roderick Alcala para linisin ang kanilang pangalan, ngunit hindi naging dahilan ito para hindi sila mahulog sa patibong ng pulisya.
Ayon sa Quezon provincial police, si Athel ay pang No. 9 sa HVT list at tinagurian ng Philippine Drug Enforcement Agency bilang most wanted drug suspect sa Lucena City.
Si Athel umano ay supplier nang shabu sa buong Central Quezon sa loob ng 10 taon o isang dekada.
Itinaggi ito ng suspect at sinabing huminto na siya sa pagdo-droga matagal na .
Kumbinsido si President Rodrigo Duterte na kabilang ang mga Alcala ng Quezon ang nasa grupo ng tinatawag na narco politics.
“’Yang sa Quezon kay Alcala, publicly sabihin ko sa’yo totoo ‘yan,” ani sa speech nito noong September 13 sa harap ng mga opisyales at miyembro ng Philippine Air Force troops sa Villamor Air Base, Pasay City.
- Latest