‘Si Kuya kalikot’
MAAARI MONG tingnan ngunit bawal hawakan. Kapag nabasag mo dapat mong bayaran.
Ganito madalas ang nakikita natin na nakalagay sa mga babasaging produkto sa mga mall. Tulad din yan ng dalagita na iniingatan at hindi basta-basta pwedeng galawin.
“Hindi ko alam kung bakit di pa nahuhuli ang akusado. Nakikita pa siya ng mga biktima,” pahayag ni Liza.
Siyam na taong gulang at sampung taong gulang ang mga pamangkin ni Liza Berjis ang umanoy pinagsamantalahan ng kapitbahay.
Itatago namin sa pangalang ‘Lily’ at ‘Lea’ ang mga biktima.
Sa salaysay ng siyam na taong gulang na si Lily na ibinigay kay SPO2 Mary Ann Ramirez ng Women’s Desk ng San Jose Del Monte City Police Station ay inabuso umano siya ni Marjhon Magdaraog-18.
Ilang ulit na raw siyang ginagawan ng masama ni Marjhon at ang huli ay noong ika-lima ng Abril 2016 bandang alas onse ng umaga.
Kapitbahay lang raw nila ito. Kwento ni Lily nagpunta raw si Marjhon sa kanilang bahay at nakinuod pa daw ito ng telebisyon sa kanila.
“Pumasok siya sa kwarto namin sa baba kung nasaan si Ate Lea na naglalaro ng tablet,” salaysay ni Lily.
Kusa nang umiwas si Lily kay Marjhon dahil baka may gawing masama ito sa kanya ulit. Naiwan sa loob sina Lea kasama ang lalaki.
Sinilip ni Lily ang kwarto at nakasarado na ito. Ilang sandali pa ay lumabas si Lea para kumuha ng damit sa itaas dahil naka-bra na lang ito.
Ang kanyang tiyahin na si Tita Ai ay natutulog daw sa sala. Bumalik ulit si Lea sa kwarto at kinuha ang kanyang tablet. Kasabay nitong lumabas si Marjhon. Umalis ng bahay si Lea dahil tinawag ng kanyang kaklase.
“Sabi niya tatalian niya daw ako kaya pumunta raw kami ng kwarto at dalhin ko ang tablet. Nagising si Tita Ai at sinabing wag akong lumabas sabay natulog ulit,” ayon kay Lily.
Pumasok na sila sa kwarto ni Marjhon, hinubad nito ang suot na short ni Lily at pinahiga siya. Binuksan nito ang zipper ng suot na pang ibaba at ipinapasok na nito ang ari niya sa ari ni Lily.
Iyak lang siya ng iyak dahil nasasaktan siya. Sabi pa raw nito malapit ng pumasok. Tumigil na ito dahil hindi siya tumitigil sa pag-iyak at sinabing magbihis na siya.
Hindi raw nakapasok ang ari ni Marjhon sa kanya pero ramdam na ramdam niya ang hapdi at sakit sa palibot ng kanyang ari. Tinakot din umano siya nito at sinabing huwag magsusumbong kahit kanino.
Sa mga kalaro nila at kay Lea lang daw siya nagsumbong makalipas ang dalawang araw at sinabi ni Lea na isusumbong nila si Marjhon sa Tita Liza nila.
“Ano bang ginawa ko sa inyo?” tanong ni Marjhon na narinig ng isa pa nilang kapitbahay.
Narinig silang nagtatalo ng kapitbahay na si Ed kaya dinala sila sa bahay ng kanyang Tita Inday at dun na siya umiyak ng umiyak at nagsumbong. Dinala na siya sa istasyon ng pulis para makapagreklamo.
Kasong ‘Rape in relation to RA 7610’ ang isinampa nila laban kay Marjhon.
Sa salaysay naman na ibinigay ni Lea kay SPO2 Mary Ann Ramirez ng Women’s Desk sinabi niyang hinipuan siya ni Marjhon.
Sa dibdib at ari daw siya hinipuan ng lalaki. Ayon sa kanya naganap ang insidente noong Abril 5, 2016 bandang alas onse ng umaga.
Pumasok daw ito sa kanilang kwarto. Nung mga panahong yun ay wala siyang suot na damit dahil mainit. Lumabas si Lily kaya silang dalawa lang ang naiwan.
Ipinasok umano ni Marjhon ang kamay nito sa suot niyang bra. Hinawakan nito ang kanyang kanang dibdib at pinisil-pisil ito at ipinasok din nito ang kamay sa kanyang shorts at hinawakan ang kanyang ari.
Lumabas siya ng kwarto dahil tinawag siya ng kanyang pinsang si Lily dahil may naghahanap sa kanyang kaklase niya.
Umakyat siya sa kwarto sa itaas at kinuha ang kanyang damit sabay alis ng bahay. Naiwan naman sina Marjhon, Lily at tiyahing si Ai na natutulog sa sala.
Nagsampa ng kasong ‘Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610’ sina Lea sa patnubay ni Ednalyn Estacio tiyahin ng mga biktima.
Matapos dinggin ang magkabilang panig naglabas ng ‘Joint Resolution’ si 3rd Asst. Provincial Prosecutor Imelda Mendoza itinanggi ng akusado na ginawa niya ito sa mga biktima ngunit inamin niyang nagtungo nga siya nung panahong yun sa bahay ng dalawa.
Tiyak daw ang pagkakasalaysay ng biktima kung paano siya minolestiya ng akusado. Bagamat hindi nagtagumpay ang akusado na ipasok ang ari niya sa ari ng biktima hindi naman maitatanggi na nagkaroon na ng ‘penetration’. Matatawag ng ito’y Rape kapag naidikit ang ari ng lalaki sa ari ng babae. ‘Statutory Rape’ ang nagawa ng akusado at maaaring guilty siya rito. Samantala ang ginawa niyang paglamas at paghawak sa ari ni Lea ay naging sanhi ng mental, emotional at psychological distress.
Nakitaan ng ‘probable cause’ ng taga-usig at inirerekomenda niyang maisampa sa korte ang kasong ‘Statutory Rape’ at one count of Violation of Sec. 5 (b) (Other acts of Sexual Abuse) of RA 7610.
Tanong ni Liza kung nanalo na sila bakit hindi pa nahuhuli ang akusado at nakikita pa rin ng kanyang mga pamangkin.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kaya hindi pa nahuhuli itong akusado dahil kailangan munang maglabas ng ‘warrant of arrest’ at bago ito nirerepaso muna ito dahil ito’y mabigat na kaso at tinitingnan ang Hukom ang tinatawag na ‘determination of probable cause’.
Hindi magtatagal maglalabas yan ng warrant of arrest at bibigyan ng kopya ang ating mga ‘law enforcers’ para hulihin itong si Kuya kalikot.
(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotline: 09198972854
Tel. No.: 7103618
- Latest