^

PSN Opinyon

Tiwaling kontratista sa MRT-3 parusahan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pang-masa

PAGBABAYARIN ng papasok na Duterte admin ang mga tiwaling kontratista ng Liberal Party sa DOTC. Malaking pasakit sila sa mga inaksidenteng pasahero ng MRT-3. Milyon-milyon ang pinahirapan sa malimit na sirang tren. Bilyon-bilyon ang kinulimbat mula sa gobyerno.

Nariyan ang PH Trams at Global Epcom, magkasunod na kinuha ng MRT-3, 2012-2015, nang walang public bidding. Pareho silang bagito at walang karanasan sa riles, pero binayaran nang P53.5 milyon kada buwan. Kunwaring maintenance lang ang ginawa; binulsa ang pera na dapat pambili ng spare parts. Sa kamay nila nabulok ang mga tren, riles, signaling system, power supply, at mga istasyon.

Kontrolado ni Marlo dela Cruz ang dalawang kumpanya. LP financier siya nina Noynoy Aquino at Mar Roxas sa Pangasinan nu’ng 2010 election. Kasama sa PH Trams si LP-Pangasinan officer Wilson de Vera; silent partner sa Global Epcom si Alan Dilay, general manager ni Transport Sec. at LP president Joseph Abaya sa Phil. National Railways.

Dokumentado rin si Eugene Rapanut ng LP-Ilocos Sur, na nag-broker ng P3.85-bilyong pagbili ng mga bagon mula sa di-kwalipikadong Chinese. Palpak ang mga bagon. Binisto ni dating MRT-3 general manager Al Vitangcol na merong 5% kickback -- halos P200 milyon.

Pati kumpanya ng mga kamaganak ni Sen. Antonio Trillanes ay naki-kontrata. Walang karanasan sa riles ang TriLink Technologies ni Henry Iriola Trillanes. Pero kinontrata siya nang walang bidding para sa MRT-3 communications system, halagang P7.28 milyon, nu’ng Hul­yo-Disyembre 2015. Pinaka-malaking contributor siya sa senatorial run ni Trillanes nu’ng 2013. Si Trillanes ang hit man ng Aquino admin laban sa mga katunggali ni Roxas -- sina Rody Duterte at Jojo Binay.

Sina dela Cruz at Rapanut din umano ang nasa likod ng kasalukuyang P4.25-bilyong three-year maintenance ng MRT-3. Wala rin itong bidding, at walang alam sa riles ang apat na front companies.

MILES VITALIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with