^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang students laban sa drug syndicates

Pilipino Star Ngayon

SA Hunyo 13 na ang school opening. Dadagsa na naman ang mga estudyante na karaniwang galing­ sa probinsiya at piniling sa Metro Manila magsipag-aral ng kolehiyo. Bukod sa mga mag-aaral sa kolehiyo, umpisa na rin ang senior high school na ang karamihan ay sa Metro Manila rin magpapa­tuloy ng pag-aaral.

Inaasahan ang maraming mag-aaral ngayong school year at ang mga ito ang karaniwang target ng drug syndicates. Kabataan ang mga madaling malulong sa bawal na gamot kaya naman ngayon pa lamang ay abalang-abala na ang sindikato kung paano ikakalat ang kanilang produkto.

Kung sa mga idinaraos na concert ay laganap ang bentahan ng illegal drugs, ganito rin ang ginagawa sa paligid-ligid ng school o mga unibersidad. Nakamasid at nagmamatyag ang drug syndicates sa posibleng biktima.

Sa nangyaring concert sa Pasay dalawang linggo­ na ang nakararaan, lima ang namatay na hinihinalang dahil sa sobrang paggamit ng illegal na droga. Ang nakaaalarma, dalawa sa mga namatay ay menor-de-edad. Nag-collapsed ang mga ito at inatake sa puso. Ang tatlo pang biktima ay nakaranas ng paninikip ng dibdib at dineklarang dead on arrival sa ospital.

Sa imbestigasyon, pinaghalu-halong shabu, ecs­tasy at cocaine umano ang ginamit ng mga biktima. Ayon pa sa report, may mga biktimang edad 12 hanggang 15 ang nagpositibo rin sa droga. Ilan ang nakitaan na gumamit ng “green amore” o green apple na ayon sa mga eksperto ay matindi ang tama. Sa tindi ay maaaring bumigay ang puso ng sinumang gagamit.

Naaresto na ang isang lalaki na nagbenta umano ng droga bago sinimulan ang concert. May lumabas na report na inihalo raw sa tubig ang droga kaya maraming nakainom.

Posibleng mangyari ang ganito sa mga estud­yante. Walang sinasanto ang drug syndicates at ipipilit ang kanilang masamang negosyo. Sana, magkaroon ng katuparan ang sinabi ni incoming­ president Rody Duterte na ibabalik ang death penalty­. Bibigtihin umano ang mga criminal at drug traffickers. Kung ito ang nararapat, gawin para ma­lipol ang mga salot ng lipunan.

BANAT INBOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with