^

PSN Opinyon

Vote buying naging talamak

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ng madaling araw sangkaterbang problema ang gumulantang sa Philippines National Police at Armed Forces of the Philippine dahil sa barilan at paghahagis ng bomba sa mga matataong lugar sa mga lalawigan. Halos lahat ng lugar sa buong bansa ay nagkaroon ng vote buying incident kung kaya hindi na nagawang makatulog ng mahimbing ang mga kandidato sa pagmonitor ng kani-kanilang mga balwarte, kasi nga baka sa pansitan sila pulutin oras na magpabaya sila sa kanilang mga supporters. Hehehe! Kahapon kasi sukatan ng pera, goons at impluwensya kung kaya ngayon araw malalaman nila kung sino ang magwawagi sa makasaysayang 2016 eleksyon. Tiyak ang matatalo ay dinaya samantalang sa nanalo tiyak na nandaya na naman ang isyu. Di ba mga suki?

Bagamat lumang tugtugin na itong mga kasabihan subalit patuloy itong nagaganap at napapatunayan na natin tuwing sasapit ang eleksiyon. Kasi likas na sa ating mga pulitiko na gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng pagpamudmod ng salapi, pagpapakalat ng mga private army at koneksyon sa Comelec upang makopo ang ambisyon na magluluklok sa kanila sa puwesto. Kaya oras na makaupo ang mga ito tiyak na babawiin nila ito sa kanilang mga constituent, subalit may iilan pa naman sa ating mga pulitiko ang malinis ang konsensiya dahil ang pakay nila ay ang pagbabago sa pamamalakad sa gobyerno kung kaya nagkukumahog sila sa pagtakbo. Kaya sa mga lalawigan buhay ang kapalit ng boto dahil ito ang tanging paraan upang makuha nila ang puwesto na asam-asam ng bawat politiko.

Katulad na lamang sa nangyaring pamamaril diyan sa Rosario, Cavite kahapon ng madaling araw. Pitong Muslim ang nilikida sa kalye subalit blanko pa rito ang pulisya dahil mapahanggang sa ngayon ay nirerebyu pa nila ang putol-putol na kuha ng CCTV. Bagamat may lead na sila sa pamamaslang hindi pa nila ito itinuturing na election related ng krimen dahil di pa malinaw ang dahilan, subalit sa mga usap-usapang nakarinig sa akin ay ganire. Vote buying umano ang dahilan ng paglikida sa 7 katao dahil may nakuha pang datung  sa mga kamay ng ilang napaslang. Sa ilang lungsod naman sa Metro Manila naging talamak ang vote buying na nasaksihan ng ilang kapatid ko sa hanapbuhay katulad na lamang sa Muntinlupa City na pitong photojournalist ang kinuyog ng daang-daang supporter ng isang kandidato. Sa San Juan City naman ay nakaranas ng pambu-bully ang ilang Photojournalist na nakasaksi nang abutan ng datung sa mga balwarte ng pulitiko. Marami pang insidente na di ko muna tatalakayin mga suki, dahil sa mga sususnod na mga araw ay mamatyagan ko naman ang paghokus-pokus sa bilangan ng balota. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with