^

PSN Opinyon

3 to 6 months pangako ni Duterte

ORAMISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

IKINUENTO NG mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sinasabi ni PDP-Laban presidential bet Digong Duterte na susugpuin niya ang kriminalidad at ang salot na droga sa first 3 to 6 months kung mananalo siyang pangulo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado rin siya na hindi maiiwasan na dumanak ang dugo dahil hindi papahuli ng buhay ang mga notorious pusher at mga adik na sira ang mga ulo kasi lalaban sila sa sino man haharang sa kanilang kagaguhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto raw ni Duterte na pagbigyan siya ng pagkakataon para sugpuin ang kriminalidad tulad ng ginawa niya sa Davao City, dahil doon kinatakutan siya ng mga masasamang loob na ang karamihan ay mga small time at mga mahihirap?

Sabi ni Duterte sa political ads niya vs. mga masamang gawain, “Ito na ang huli ninyong Merry Christmas!”

Ayon sa kanya,. hindi posible na magkaroon ng “bloodless cleansing” at ginawa niyang “exhibit” ang Davao City.

Sa isa niyang talumpati sinabi rin niya na “(I will) kill drug lords with pleasure.” Mukhang personal na krusada ni Duterte ang pagpatay sa mga drug lord dahil sadyang “intolerable” sa kanya ang droga. This is all well and good.   Paano kung ito ang nasa personal na bucket list ni Duterte, na gawin nationwide ang ginaniwa niya sa Davao?  Paano na ang mga inosenteng madadamay sa kanyang personal crusade?

May ibinida pa si Duterte, na ikinataas ng kilay ng ilang madlang pinoy dahil bababa raw siya sa puesto bilang pangulo kung hindi niya matutupad ang kanyang pangako sa loob ng 6 months?

Abangan.

***

Kailangan ba tayong matakot sa GMO?

HALOS mabingi na ang Chief Kuwago sa mga daldalan sa apat na sulok ng barberya kaya naman aaminin ko, nagsasawa na akong makinig sa kangangawa ng ilang people na masama raw ang GMO.

Sabi nga, ito raw ay Genetically-Modified Organism, na masama na sa katawan ng madlang people. Kahit nga ako natakot nang tawagin nilang “Frankenfood.”

Pero sandali lang. Nakakatakot nga ba ? Kasi marami na tayong ginagamit na mga produkto na galing sa GMO -- mula chips, taho at maging yung yellow corn na labis na mahalaga sa ating livestock production.

Kahit na ang Korte Suprema, biglang naglabas ng order na itigil muna ang pagsasaliksik at maging ang importasyon ng mga GMO.

Ang pinag-usapan dun ay ang Writ of Kalikasan laban sa BT Talong ng University of the Philippines Los Banos (UPLB), bago ito mai-commercialize pero mukhang ang lumalabas, sinakop na ng utos ng Korte ang lahat ng mga GMO sa Philippines my Philippines.

Mahirap nang makipagtalo ngayon sa mga mahistrado. Napansin ko, hindi naman talaga dahil GMO lang ang mga ito, kundi naghahanap ang Korte Suprema ng tamang palakad ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng GMO.

Hindi naman talaga sinasabing masama ang GMO, kundi kailangan lang siguraduhing wala itong panganib bago ilabas sa merkado.

Mahina ako sa science, pero nalaman ko na ang BT corn na siyang unang GM crop na ikinalakal sa Philippines my Philippines ay mahigit 30 years na ang teknolohiya sa US of A.

Dahil dito naging self-sufficient na tayo sa yellow corn dahil sa BT corn at wala namang reklamo ang sektor ng agrikultura lalo na sa mga livestock producer.

Sabi nga, puro mga aktibistang wala namang sinasakang lupa o inaalagaang hayop ang nag-iingay.

Pero nabahala ako nang itinanong sa akin ng isang  matalik na kaibigang  nagmamanok, “P’re, baka tumaas na ang presyo ng mais ngayong bawal na raw ang BT corn ?  Medyo may tulog kami diyan.”

Agad-agad akong tumawag sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dyan sa Department of Agriculture, at siya mismo ay  umamin na kapag nabawasan ang ating supply ng BT corn medyo may problema sa mga susunod na buwan sa presyo.

Ang maganda nito ginagawa na raw nila ang joint administrative order, na kung saan ang DA kasama ang DENR at Department of Health, ay gumagawa ng mga  bagong patakaran sa GMO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinangunahan daw ito ng DOST.

Bakit?

Sagot - Kasi nga naman minsan nalalansi tayo ng mga haka-haka kaya siguro napagkasunduan ng mga ahensiyang ito na  upuan ito at ipakita na siguradong maayos ang patakaran sa mga GMO.

Siguro naman dapat ng manaig ang agham sa haka-hakang ideolohiya. Hindi na sa laway ng ilang mga reklamador na ngalngal nang ngalngal kahit na magutom ang madlang people basta masabi lang na sila ang bida.

Abangan.

ACIRC

ANG

AYON

DAVAO CITY

DUTERTE

GMO

ITO

KORTE SUPREMA

MGA

NBSP

SABI

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with