American operation sa Mamasapano
AYON sa isang reliable source ko--- na ang Mamasapano incident noong January 25, 2015, na ikinasawi ng may 44 na miyembro ng elite Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ay may kaugnayan din ang United States military forces na gumagalaw dito sa Pilipinas.
Tinanong nga ako ng isang source kung nasaan ba ako noong araw ng January 25, 2015.
Sagot ko andito lang naman ako sa amin dito sa Davao City.
Ang di ko raw alam ay--- dito ang operation at command center ng mga Kano sa 8th floor ng isang hotel dito sa Davao City.
Sinabi niya na ang mga Kano ang may pakana ng lahat at dito nga lang daw nila sa Davao City nilagay ang kanilang operation center.
Ngayon nga na bubuksang muli ang imbestigasyon ng Mamasapano incident sa Senado ngayong January 25, eksaktong isang taon ang nakaraan--- siguro mapag-usapan din ang bagay na ito dahil sinabi ni Senator Juan Ponce-Enrile na may bago siyang information hinggil sa pangyayari.
Kung ano ang information na ito. Ito ay kaabang-abang.
- Latest