^

PSN Opinyon

Happy 2016!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG putukan kahapon ay no match sa mga pasabog na balitang nangyari sa nakalipas na 2015. Humabol sa bisperas ng Pasko ang pagkamatay ni Letty Jimenez Magsanoc, isa sa mga higante ng Philippine Mass Media at bayani ng EDSA. Ang kanyang integridad ay nagsilbing pader na sinan­dalan hindi lang ng Philippine Daily Inquirer kung hindi rin ng buong industriya patungo sa kinatata­yuan nito ngayon bilang pinakamalayang press sa Asya.

Bago ang kabiguan, sumabog din ang kasiyahan sa pagkapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach sa Miss Universe 2015. Sa tumitinding globalisasyon ng pulitika at ekonomiya, ang panalo ni Pia ay magiging mahalagang plataporma upang manati­ling makabuluhan ang Pilipinas sa international agenda na pinasukan.

International flavor din ang paborito nating mga event ng 2015. Siyempre, top of the list ang pagbisita ng very charismatic Pope Francis na nag­hatid ng lubhang kasiyahan sa bansa. Nandiyan din ang matagumpay na pagdaos ng APEC summit na dinaluhan ng mga pinuno ng mga higanteng bansa, sa pangunguna ni President Barack Obama. Ang mga ginagawang pam-bully ng China sa Panatag Shoal na nagsindi ng mitsa ng nasyonalismo sa bagong henerasyon. Sa larangan ng palakasan ay bumisita sina Rafa Nadal at iba pang Tennis greats. Si Manny Paquiao ay natalo kay Floyd Mayweather. Ang Filipino Australian golfer na si Jason Grapilon Day ay nagwagi sa US PGA Championship at naging No. 1 golfer sa mundo. Sa entertainment, ang ALDUB ay hinigitan pa ang mga Hollywood celebrities sa dami ng fans sa buong planeta. At ang latest addition sa talaan ng ONLY IN DA PILIPINS, ang tanim bala scam sa NAIA na isa na namang international bad publicity na hindi kinakailangan.

Sa balitang lokal, sino ang makakalimot sa sinapit ng SAF 44 sa Mamasapano na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawakasan ang kontrobersiya. Ang patuloy na double standard ng pamahalaan sa pandidiin sa mga kalabang pulitikal (Binay, Poe) habang pikitmatang hinahayaan ang kalokohan ng mga kakampi. 

Sana itong 2016 ay maging higit pang makulay sa 2015. Happy New Year sa ating lahat!

ACIRC

ANG

ANG FILIPINO AUSTRALIAN

FLOYD MAYWEATHER

HAPPY NEW YEAR

JASON GRAPILON DAY

LETTY JIMENEZ MAGSANOC

MGA

MISS UNIVERSE

PANATAG SHOAL

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with