^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Protektahan ang mga mamamahayag

Pilipino Star Ngayon

HINDI maganda ang 2015 para sa mga mamamahayag na walang awang itinumba at magpahanggang ngayon, hindi pa naaaresto ang mga suspect. Pitong mamamahayag ang pinatay noong nakaraang taon. Sa kabuuan, umaabot na sa 37 ang mga pinatay na mamamahayag sa termino ni President Noynoy Aquino. Naupo sa puwesto si P-Noy noong 2010 at matatapos sa Hunyo 30, 2016.

Para naman sa New York-based press freedom watchdog Committee to Protect Journalists (CPJ), may improvement ang kalagayan ng mga mamamahayag sa bansa. Katunayan, inalis na nila sa listahan ang Pilipinas na isa sa pinaka­mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Ayon sa pag-analisa ng CPJ, walang ma­mama­hayag sa Pilipinas na pinatay na may kaug­nayan sa kanilang propesyon. May naidokumento umano silang pagpatay sa mga mamamahayag noong 2015 pero wala umano itong kaugnayan sa pro­pesyon ng mga biktima.

Hindi naman dapat maging basehan ang pahayag ng CPJ na wala na sa listahan ang Pilipinas na isa sa pinaka-dangerous na lugar para sa mga mamamahayag para hindi na lutasin ang mga kaso ng pagpatay. Nararapat pa ring kumilos at hulihin ang killers at “utak” ng pagpatay. Kung hindi kikilos ang Aquino administration, maibibilang lamang ang mga biktima ng pagpatay sa kanyang termino sa marami pang pagpatay sa mga mamamahayag. Mula 1986 na nakalaya sa diktadurya ang bansa, 174 na ang mga mamamahayag na pinatay.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguin­danao. Tatlumpong mamama­hayag at 28 sibilyan ang minasaker at sama-samang inilibing sa hukay. Hanggang ngayon, wala pang hustisya sa krimen.

Protektahan ang mga mamamahayag. Ipag-utos ni P-Noy ang paglutas sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

ACIRC

ANG

MAMAMAHAYAG

MGA

NEW YORK

P-NOY

PAGPATAY

PILIPINAS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PROTECT JOURNALISTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with