^

PSN Opinyon

Independent ba ang Comelec?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang sinasabi ng Malacañang at Liberal Party kaugnay ng isyu sa diskuwalipikasyon ng independent presidential candidate Grace Poe. Pero magsuri tayo.

Matapos siguruhin ni Palace spokesman Edwin La­cierda na hindi puwedeng impluwensyahan ang Comelec sa mga desisyon nito, may ibinunyag naman ang pinagkaka­tiwalaan at batikang kolumnistang si Teddy Boy Locsin. Ang pagbubunyag na ito ay taliwas sa ipinamamarali ng Palasyo at ng Liberal Party.

Si Locsin ay isang dating congressman ng Makati at speechwriter ni dating Presidente Corazon Aquino na ina ni Presidente Noynoy Aquino. Malalim ang kanyang nala­laman. Heto ang sinabi ni Teddy-Boy sa kanyang  tweeter account noong Lunes. Aniya, si Comelec Chairman Andres Bautista ay minsang nagsilbi bilang adviser ni LP presi­dential bet Mar Roxas nang ang huli ay kumakampanya pa sa pagka-senador sampung taon na ang nakalilipas.

Sabi ng isang kapitbahay ko sa aming huntahan, tila may mga tao sa kampo ni Roxas na gumagalaw ng puspusan para pawiin sa isip ng taumbayan ang ano mang suspetsa na dinudurog si Grace Poe. Sabi ng kapitbahay ko, salamat kay Teddy-Boy at ibinunyag niya ang madilim na sikretong ito sa relasyon  ni Mar kay Bautista.

Sa harap ng ganitong pagbubunyag ng isang taong mataas ang kredibilidad, paano pang makukumbinsi ng Palasyo at ng LP ang taumbayan na ang Comelec ay indi­­pindiyente at hindi maaaring paikutin o impluwensyahan partikular sa kaso ng diskuwalipikasyon kay Poe?

Hindi ko sinasabing conclusive ang ganitong suspetsa, pero hindi ba magiging kadudaduda ang panunungkulan ni Bautista sa Comelec lalu pa’t may dinidisisyunan ang poll body na kaso laban sa katunggali ni Roxas na kaibigan ng Comelec chair?

Sabagay, kung mabigo si Poe sa Comelec (sana hindi) mayroon pa namang Kataastaasang Korte na inaasa­hang magdedesisyon ng wasto at walang halong pulitika.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAUTISTA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

EDWIN LA

GRACE POE

KATAASTAASANG KORTE

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PALASYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with