^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paigtingin ang pagbabantay

Pilipino Star Ngayon

HABANG papalapit ang Kapaskuhan nadadag­dagan ang mga naitatalang krimen lalo sa Metro Manila. Sumasalakay ang mga riding-in-tandem at walang awang binibiktima ang mga naglalakad na babae at saka aagawin ang bag o ang cell phone. Sa tindi nang paghablot sa bag, nakakaladkad ang babae dahilan para magkagalus-galos ang kanyang katawan. Nangyayari ang ganito kahit sa mga mata­taong lugar na walang nakabantay o nagrorondang pulis. Walang anumang makakatakas ang riding-in-tandem at kinabukasan o makalipas ang ilang araw, muli na namang sasalakay sa mga kawawang babae. Nakukunan ng CCTV ang pangyayari subalit hindi ito sapat para mahuli ang mga kawatan. Pinaka-da best ay may nagrorondang pulis sa lugar.

Panahon ngayon nang bigayan ng Christmas bonus at 13th month pay kaya naman aktibo ang mga kawatan. Mas madali silang makaamoy nang bibiktimahin at walang kahirap-hirap. Mas matalas ang kanilang pang-amoy kaysa mga pulis o barangay tanod. At kabisado nila ang mga lugar na walang pulis­ na nagbabantay.

Darami pa ang krimen habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon kaya mahalaga sa panahong ito ang regular na pagpapatrulya ng mga pulis sa mga matataong lugar. Hindi namin malilimutan ang talumpati ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez nang maupo sa puwesto noong Hulyo 16.

“Ang pangunahing isyu na dapat harapin ng kapulisan ay crime prevention o paghadlang sa krimen. While we have developed the methodology to deliberately reduce crime, as evidenced by the decreasing trend in crime statistics in certain areas, the reality is that the fear of crime remains in the hearts of our citizens especially our mothers.

Naroroon pa rin ang takot at agam-agam ng mga magulang tuwing umaalis ng bahay ang kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang nais nating baguhin. Gusto nating masiguro na bawa’t anak, kapatid, o kasambahay ay ligtas sa kapahamakan at makakabalik na ng maayos sa kani-kanilang tahanan.

Ako’y naniniwala na ang pagpapatrulya ng kapulisan sa mga komunidad ay nagdudulot ng maraming benepisyo. To make patrolling effective, I hereby order the immediate and systematic dispersal of personnel from the national, regional and provincial offices to our front-lines – the Police Stations – based on a well-conceived and properly developed Patrol Plan.”

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

DARAMI

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

HULYO

METRO MANILA

MGA

PATROL PLAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with