^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Alisin, mga sagabal sa kalsada

Pilipino Star Ngayon

PATINDI nang patindi na naman ang trapik sa Metro Manila. Sabagay, kailan ba lumuwag ang trapik? Nagluluwag lamang ito kapag Huwebes at Biyernes Santo. Ang EDSA na pina­mamahalaan ngayon ng Highway Patrol Group (HPG) ay wala ring pinagbago. Lumuwag lang sandali noong unang mangasiwa ang HPG pero ngayon ay sumikip na naman. Inaasahan pang sisikip ngayong papalapit na ang Pasko at Bagong Taon. Noong nakaraang Biyernes at Sabado, super trapik na naman ang naranasan sa Metro Manila at tila wala nang ginagawang hakbang ang pamahalaan para maibsan ang nararanasang trapik lalo na nga sa EDSA at iba pang malala-king kalsada.

Pero sabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA), hindi sila titigil hangga’t hindi napapaluwag ang trapik lalo na sa mga tinakdang Mabuhay lanes. Hindi raw sila titigil hanggat hindi nawawalis ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada na nagdudulot nang grabeng pagsisikip ng trapiko. Determinado umano sila at hindi natatakot kahit isang kasamahan nila ang binaril ng sekyu nang magkaroon ng clea-ring operations noong nakaraang buwan. Isa sa mga tinamaan ng operation ay ang motorsiklo ng sekyu na nakaparada sa tapat ng bankong binabantayan.

Lahat daw nang nakakasikip ay kanilang gigibain maski na mga tindahan o karinderya na nasa gitna na ng kalye. Kaya raw may pagsisikip ay dahil sa mga nakaharang na ito. Lagi raw nilang babantayan ang mga nilinis nilang kalsada kaya hindi na makakabalik ang mga pasaway. Tuluy-tuloy na umano ito.

Sana nga ay mapanatili ng MMDA sa tulong ng HPG ang kampanya na maalis ang mga sagabal. Kung determinado ang MMDA sa kampanya, dapat pati ang mga basketbolan na nasa gitna ng kalye ay wasakin na rin nila. Pati na rin ang mga may negosyong car wash na halos okupahin na ang buong kalsada. Lahat nang hadlang para mapaluwag ang trapiko ay gawin ng MMDA at hindi sana ito ningas-kogon lang.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BIYERNES

BIYERNES SANTO

HIGHWAY PATROL GROUP

HINDI

LAHAT

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with