^

PSN Opinyon

“Hindi lang bayani, martir pa!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG MAGULANG KAHIT MAY DINARAMDAM hindi nito pinapansin huwag lamang maputol ang padalang pera sa pamilya dahil iyan ang ikinabubuhay nila.

Bago umaksyon grabe na ang kundisyon at yung hindi na talaga kaya!

Ganito ang laging iniisip ng mga kababayan nating OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

“Mauubusan na ng dugo ang asawa ko ayaw pa nilang pauwiin. Nahihilo na raw siya dun,” pahayag ni Manolo.

Enero taong 2015 nang mangibang bansa ang asawa ni Manolo Tumanda na si Loreta. Household Service Worker (HSW) ang naging trabaho nito sa Riyadh sa pamamagitan ng ABC Manpower.

 Mabait ang naging pinaka-employer ni Loreta na si Mohammed Abdullaj Alghamdi ngunit ang anak raw nito ang salbahe.

“Halos dalawang buwan na daw siyang dinudugo dun sa Riyadh. Nanghihina at nahihilo na siya. Hindi niya na kayang magtrabaho,” ayon kay Manolo.

Hirap na raw kumilos si Loreta dahil sa kanyang kalagayan. Tatlong palapag ang bahay ng kanyang amo na kailangan linisin araw-araw at may alaga pang pabuhat ng pabuhat sa kanya.

Nagsabi na raw ito sa amo na uuwi na lang ng Pilipinas pero hindi pumayag umano ang mga ito.

Kwento ni Manolo dinugo na raw dito sa Pilipinas ang kanyang misis. Siyam na araw silang namalagi sa ospital.

“Sumailalim siya sa ultrasound, biopsy, pinaraspa na rin siya at sinalinan na rin sya ng dugo. Maraming nag-donate para sa kanya,” salaysay ni Manolo.

Nang gumanda-ganda ang pakiramdam ng kanyang misis ay pinalabas na sila sa ospital. Makalipas ang ilang buwan dinugo na naman ang kanyang misis. Dinala niya na naman sa ibang ospital at ipinakita nila ang ilang dokumento kung ano ang ginawa sa kanya sa pinanggalingang ospital.

“Negative kasi ang lumabas dun sa biopsy niya. Wala raw itong Cancer. Hindi namin alam kung anong dahilan ng walang tigil niyang pagdurugo. Sabi ng doktor baka raw sa pagmemenopause pero tingin ko hindi ganun dahil grabe ng nangyayari sa kanya,” pahayag ni Manolo.

May gamot na inireseta sa kanya ang doktor at epektibo naman ito dahil huminto ang pagdurugo ni Loreta.

Matagal-tagal ding maayos ang kondisyon nito hanggang sa nakapag-abroad.

Pagdating niya ng Riyadh kampante silang lahat dahil walang masamang nararamdaman si Loreta. Makalipas ang anim na buwan dinugo na naman siya.

Nag-isip sila ng paraan kung paano ito matutulungan kahit nandito lang sila sa Pilipinas.

“Nagpaalbularyo na kami. Ang anak ko ang umasikaso kung bakit hindi matigil-tigil ang ganyang kondisyon ng misis ko. Pangalan niya lang ang ibinigay namin sa albularyo dahil nasa Riyadh siya at ang albularyo ay nasa Pilipinas,” kwento ni Manolo.

Sabi daw ng albularyo nakulam ang kanyang misis.

Pinagtulungan daw nila ang pagbabayad sa albularyo gumaling lang si Loreta. Huminto ang pagdudugo nito pero makalipas ang limang buwan bumalik na naman.

Mas matindi na daw ito kaysa nung nakaraan dahil nararamdaman niyang nanghihina na siya at palaging nahihilo. Pinipilit niya lang ang magtrabaho dahil dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata.

Payat na payat na daw ang katawan ng kanyang misis dun dahil maliban sa kanyang kondisyon hindi din siya nakakakain sa tamang oras.

“Nagtitiis siya dun kasi gusto niyang makatapos ang mga anak namin. Sabi niya ayaw niyang matulad sa kanya ang mga bata na hindi nakatapos,” ayon kay Manolo.

Sinabihan niya ang misis na hindi sila yayaman sa pag-a-abroad niya. Kahit magtinda na lang sila ng ihaw-ihaw at magtulungan sila para makaraos at mapagtapos ang mga bata.

“Mahirap ang ganyang sitwasyon hindi namin nakikita kung ano na ang nangyayari sa kanya. Mas mabuti na yung kasama namin ang misis ko para nasisiguro namin ang kalusugan niya,” salaysay ni Manolo.

Hindi alam ni Manolo kung saan siya lalapit dahil malayo naman ang kanyang asawa at wala itong kakilala doon.

Hindi ito ang unang pagtatrabaho sa ibang bansa ni Loreta dahil nakapagtrabaho na rin ito sa Hongkong. Pinilit nitong matapos ang dalawang taong kontrata kahit na masungit ang naging amo at puro noodles lang ang pagkain.

Ngayon lang daw nangyari na dinugo ng grabe ang kanyang misis at kailangan na itong masalinan ng dugo. Baka kung ano ang mangyari dito kung hindi ito matitingnan ng  doktor.

“Tulungan niyo po sana ang asawa ko bago mahuli ang lahat. Hiling namin mapauwi na lang po siya. Natutulala na lang ako minsan kakaisip sa misis ko. Ang hirap ng sitwasyon niya dun,” sabi ni Manolo.

Sinusubukan niyang tawagan ang ahensya ng misis ngunit hindi naman ito sumasagot.

Pinagbabayad din daw sila ng Php50,000 bago siya makauwi ng Pilipinas. Hindi naman nila alam kung saan ito kukunin.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang labis na pagdurugo  na sinasabing nangyayari kay Loreta ibig sabihin may problema siya sa matres.

Dapat dumaan siya sa tamang pagsusuri ng doktor tulad ng ‘pap-smear’, ‘pelvic examination’ at pagsuri sa ihi at dugo para malaman ang tunay na problema dito.

Kalimitan ginagawa ang pagpapatingin sa doktor dahil tinitingnan kung may posibilidad ba na may bukol sa matres at ito ay ‘Cancerous o Benign’ ang bukol dito.

Ang hindi ko maintindihan ay ang Riyahd ay meron mga malalaking ospital na kumpleto naman sa sa ‘hospital equipment’ at mga dalubhasang Gynecologists hindi nila malaman ang sakit nitong si Loreta? Nakapagtataka naman yata ito?

Pinayuhan na rin namin si Manolo na magsadya sa ahensya ni Loreta para malaman nito ang nangyayari sa kanilang pinaalis.

Nakipag-usap na rin kami kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang matulungan itong si Loreta at ibinigay ang mga impormasyon sa kundisyon nito ating HSW.

Agad naman siyang nakipag-usap sa ating embahada sa Riyadh para matulungan ang ating kababayan.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

A MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

HINDI

LEFT

LORETA

MANOLO

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with