^

PSN Opinyon

Kalbaryo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IBA rin ang pinagdaanan ni Nanay Gloria Ortinez, ang OFW na naging biktima ng tanim-bala sa NAIA. Pabalik na sana sa kanyang trabaho sa Hong Kong noong nakaraang buwan, pero hindi nakaalis dahil nahanapan daw ng bala sa kanyang kagamitan. Kinasuhan siya para sa illegal possession of ammunition. Pero dahil sa talino ng mga pulis na nagsumite ng ebidensiya sa korte, kung saan hindi pareho ang balang nahanap sa bag ni Nanay Gloria sa balang isinumite bilang ebidensiya, ibinasura ang kaso laban sa kanya.Wala rin daw intensyong magdala ng bala si Nanay Gloria,kaya walang kaso. Tinanggal ang dalawang pulis sa NAIA. Saan naman kaya sila ilalagay ngayon?

Pero dahil sa hindi siya nakabalik kaagad sa kanyang amo sa Hong Kong na labindalawang taon nang sinisilbihan, tinanggal siya. Nawalan siya ng trabaho. Nabasura nga ang kaso, pero nawalan naman siya ng hanapbuhay. Mabuti na lang at hindi binalewala ang kanyang labindalawang taong serbisyo. Noong nakuha na niya ang kanyang mga kagamitan, nagbago ang isip ng kanyang amo at minabuting bigyan siya muli ng trabaho. Kaya naging maganda naman ang katapusan ng kanyang kalbaryong pinagdaanan.

Ganito kasama ang epekto sa mga biktima ng tanim-bala, kaya hindi dapat minamaliit ang isyu. Kumpirmado na nagaganap ang kalokohang ito sa NAIA. Kaya responsibilidad ng mga tapat na opisyal ng gobyerno na tukuyin at sugpuin, hindi magturuan. Ayon sa bagong patakarang ipapatupad sa NAIA, magkakaroon ng “last look” na pagkakataon ang mga pasahero bago isumite sa inspeksyon ang kanilang mga hand-carry na bagahe. Halos lahat ng insidente ng balang nadidiskubre sa bagahe ay nagaganap sa pre-departure area. Kaya bago pa makapasok dito, may pagkakataon ang pasahero na suyurin ang bagahe nila para sa anumang naipasok ng mga kawatan. Kapag may bala o kung ano pang kontrabando, maging peligroso sa eroplano o hindi, pwedeng itapon bago tumuloy ng pre-departure area.

Ganun pa man, hindi pa rin pwede maging kampante. Hahanap at hahanap ng paraan ang mga masasamang-loob na kumita pa rin. Hindi papayag na mawalan ng kita. Kaya kapag nainspeksyon na nang mabuti ang bagahe, bantayan pa rin kapag ipinasok na sa x-ray machine. Dapat maraming CCTV ang nakatutok sa lugar na iyan. Inaasahan na dahil sa mga bagong hakbang na ito ay masusugpo na ang tanim-bala. Sana.

ANG

AYON

BALA

DAPAT

HINDI

HONG KONG

KANYANG

KAYA

MGA

NANAY GLORIA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with