^

PSN Opinyon

Sino ang ‘dabest’ bise presidente?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARANG “spare tire” ang bise presidente. Kapag na-flat o na-oblong ang gulong, ito ang pumapalit. Kaya kilatisin din ang mga naglalaban-laban sa pagka-bise para maiboto yaong  may pinakamabuting katangian.

Nagtutunggali sa posisyon sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, Senators Chiz Escudero, Gringo Honasan, Antonio Trillanes, Bongbong Marcos at Rep. Leni Robredo. May kani-kaniyang imahe na puwedeng maging batayan sa pagpili sa kanila. Wika nga, ang nagawa nila sa kanilang mga lalawigan, bayan at lungsod (masama man o mabuti) ay siya ring magagawa nila on a nationwide scale.

Ang Taguig na lungsod ni Cayetano ay maunlad kaya hinahabol ng ‘Republika ni Binay’ sa Makati. Kasi, ilang panahon pa, hinuhulaang madadaig ng Global City ang Financial District ng bansa sa usapin ng lokal na ekonomya.

Kahit bagito sa politika, taglay ni Rep. Leni Robredo ang magandang legacy ng yumaong asawang si former DILG Sec. Jesse Robredo. Simpleng maybahay pero ramdam ng mga taga-Naga ang malasakit ng biyudang abogada upang higit na umunlad ang kanilang lungsod.

Maunlad din ng Ilocos region ni Bongbong Marcos. Naririyan at nakatayo ang malalaking istraktura na simbolo ng pag-unlad, katunayan ng husay, sipag at sinserong pag­tulong sa kanilang mga kababayan.

Walang maipagmamalaking  balwarte sina Honasan sa Baguio at Trillanes na Bicolano rin tulad ni Leni. Parang hindi man lang gumuhit sa mapa ng mga taga-Bicol at taga-Baguio ang markadong tulong na dapat ibinigay ng mga dating rebeldeng sundalo.

Si Senador Chiz Escudero ay matalino at may aura ng potential leader na mahihinuha sa kanyang kilos at pananalita. Pero  may dapat klaruhin ni Chiz. Ito ang poverty level sa kanyang lalawigan na sinasabing mababa pa rin ayon sa isang pag-aaral na noon pang taong 2012. Eh 2015 na ngayon. Nasaan na ang bagong datos? Sa mga pag-aaral kasi na sumusulpot ngayon, ang Naga City 1st class city na ngayon gayundin ang Taguig samantalang ang poverty incidence sa Ilocos Norte ay bumaba ng 10 percent mula sa 21 percent noong 2003 (11 percent na ngayon). Dapat ding ilantad ni Sen. Chiz ang mga reporma sa kabuhayan na nagawa na sa kanyang lalawigan.

ANG

ANG TAGUIG

ANTONIO TRILLANES

BONGBONG MARCOS

CHIZ

FINANCIAL DISTRICT

GLOBAL CITY

GRINGO HONASAN

ILOCOS NORTE

LENI ROBREDO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with