^

PSN Opinyon

Diskriminasyon

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko talaga maintindihan kung bakit ang mga kapitalista ay hindi gumagamit ng puso.

Ang mga patakarang kanilang ginagawa at ipinatutupad ay hindi naaayon sa Labor Code. Ito ay laging pabor lamang sa kanila.

Hindi lamang ang contractualization ang berdugong patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa kundi ang isa pang uri ng diskriminasyon na biktima ang kapuspalad na obrero.

Ang aking tinutukoy ay ang ipinaiiral na diskriminasyon sa edad. Basahin ninyo ang classified ads sa mga peryodiko. Mapapansin ninyo na ang inilalagay na age limit ng mga kumpanya na naghahanap ng manggagawa ay edad 18 hanggang 35 lamang.

Ang edad 36 pataas ay kanilang tinatanggihan. Bakit ayaw nila sa edad 36 pataas samantalang ang mga ganitong edad ay higit na malawak ang karanasan sa trabaho. Samantalang ang bagong graduate sa college ay wala pang karanasan at tuturuan pa.

Hindi ko talaga maintindihan ang logic ng mga negosyanteng ito. Ayaw nila sa mga 30s at 40s dahil maikli na lamang ang panahong ipaglilingkod nila?

Tama. Maikli na nga pero higit naman silang productive at pulido ang trabaho kaysa sa mga baguhan na tuturuan pa. Kung susumahin, higit na mahusay ang performance ng isang beteranong manggagawa kaysa sa isang baguhan, pero hindi ito ang aking punto.

Napakaliwanag ang ginagawang diskriminasyon ng mga employer na hindi gumagamit ng puso kaya dapat magkaroon ng batas, kasuhan, pagmultahin nang malaki at ikulong ang mga kapitalista na tumatangging tanggapin sa trabaho ang isang karapat-dapat dahil sa kanyang edad.

At dahil ayaw gumamit ng puso ang maraming negosyante kaya ang gobyerno ang dapat magpakita ng malasakit at pagmamahal sa mga manggagawang patuloy na inaapi ng mga tuso at walang pusong mga negosyante. Ang gobyernong walang malasakit sa kanyang mga mamamayan ay walang karapatang mamuno.

Ang mga kapitalista na walang malasakit sa kanilang mga manggagawang siyang dahilan kung bakit bilyones ang kanilang tubo ay dapat turuan ng gobyerno na maging makatao sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na pakikinabangan ng mga manggagawa.

 

ANG

AYAW

BAKIT

BASAHIN

EDAD

HINDI

ITO

LABOR CODE

MAIKLI

MAPAPANSIN

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with