^

PSN Opinyon

Ang ‘Joker’ na seryoso’t dakila

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ALAM nang lahat kung ano ang ibig sabihin ng “joker”, hindi lamang sa sugal kundi sa lahat ng aspeto ng buhay­.

Na kahit tayo kunsumido basta may nagbiro na ang isang “joker” ay namumutawi ang ngiti sa ating mga labi kung hindi man malulutong na halakhak.

Palaisipan marahil  sa marami kung bakit ang isang brilliant lawyer at naging mahusay na mambabatas na si Sen. Joker Arroyo ay pinangalanang “Joker” ng kanyang mga magulang.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging isang Joker, siya ay naging seryoso sa pagtulong lalung-lalo na sa mga kapuspalad na mahihirap.

Noong panahon ng diktadurya, marami siyang ipinagtanggol nang libre bilang isang abogado, kabilang na rito ang mga naging biktima ng kawalang-hustisya, lalung-lalo na ang mga biktima noong panahon ng martial law.

Noong si Joker ay nasa Kongreso pa, mabibilang sa daliri ang gustong makipagdebate sa kanya, dahil kilala siya bilang kumakampi sa matuwid at tama.

Sa Senado, hinangaan din nang lahat si Joker dahil siya lang yata ang pinakamatipid sa lahat ng mga senador. Alam ba ninyong tatlo lamang ang kanyang staff sa Senado, kasama na rito ang kanyang driver.

Hindi rin niya ginagalaw ang kanyang pork barrel kaya never siyang nagkaroon ng “komisyon” mula sa mga proyektong hindi ipinagawa.

Naiiba sa lahat ng senador si Joker. Hindi lamang pawang makabuluhang batas na pinakinabangan ng mahihirap ang kanyang inakda, kundi isa-isa rin niyang sinusuyod sa budget deliberations ang gastusin ng bawat ahensiya ng gobyerno.

Para kay Joker, public service is a public trust. Nanatili siyang malinis at tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang public official.

At sa loob nang maraming taon, kailanman ay hindi nakaladkad ang kanyang pangalan sa anumang anomalya.

Sa Corona impeachment, tatlo lamang sila nina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Miriam Defensor-Santiago  ang bumoto ng “No”, o hindi dapat ma-impeach si Corona dahil inimpluwensiyahan ng Malacanang ang impeachment court.

Wala na ang isang dakilang senador. May you rest in peace Kompanyerong Joker.

ACIRC

ANG

BONGBONG MARCOS

HINDI

JOKER

JOKER ARROYO

KANYANG

KOMPANYERONG JOKER

MGA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NOONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with