^

PSN Opinyon

“Sa tamang panahon…”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG LALAKING NANAKIT ng babae nagpapakita lamang ng malaking problema sa kanyang pagkatao at walang karapatan na makipag-relasyon kahit kanino.

“Nauntog ako na mali ang pinasok ko. Yung sampal sa mukha ko ang gumising sa ‘kin na dapat na akong umalis sa ganitong sitwasyon,” ayon kay Mely.

Parehong may asawa sina Mely de Guzman at ang naging karelasyon nitong si Federico “Rico” Espergal.

Nakatira sila pareho sa Pangasinan at duon sila nagkakilala nung  2009.

“Papunta-punta lang ako dito sa Maynila sa kapatid ko. Dito kasi sila nagtatrabaho,” sabi ni Mely.

‘Tricycle driver’ si Rico sa Pangasinan. Nang maghanap ito ng mas malaki-laking mapagkakakitaan ipinasok ng trabaho ni Mely si Rico sa Kotse Network sa may SM Fairview bilang driver.

Nung mga panahong yun nagkakaproblema na sina Mely at ang asawa niya lalo na kapag nagkakaroon ng problema ang kanilang mga anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit nakipagrelasyon si Mely noong Marso 2009 kay Rico.

Kwento niya minsan ay isinasama siya ni Rico sa pagbili ng piyesa kapag inuutusan na amo.

Nagkakakwentuhan silang dalawa at napag-alaman niyang galing ito sa Cagayan bago pumunta ng Pangasinan.

“Kapag nagtatalo kami at may maliit na hindi pagkakaunawaan nakaamba kaagad ang kanyang kamay. Sinasakal ako at kadalasan sinasampal,” salaysay ni Mely.

Lagi na raw nasasaktan ni Rico si Mely kaya’t para siyang natauhan sa pinasok niyang problema. Nagpasya na siyang maki­paghiwalay kay Rico.

Hindi pumayag si Rico sa gusto niyang mangyari. Bigla na lang siyang sinakal sa harap ng SM Fairview doon sa Kotse Network.

Maraming tao ang nakakita sa ginawa nitong si Rico at napahiya si Mely sa nangyari.

“Tinakot ko siya na ipapaaresto ko siya sa NBI dahil ipinagtapat niya noon sa ‘kin na may pinatay na siya sa kanila sa Cagayan at nagnakaw na siya rito sa Manila,” ayon kay Mely.

Binantaan daw siya nito na papatayin nito si Mely at ang kanyang pamilya. Ilang beses daw naulit ang pagsakal at pananampal ni Rico sa kanya noong Oktubre 2009.

Mas lalong lumala ang mga pananakit sa kanya ni Rico.

Napagtanto ni Mely na walang patutunguhan ang kanilang relas­yon at baka lamang mapatay siya sa kalaunan.

“Inulit niya pa yun nung Disyembre 2010. Wala siyang pakialam kahit may mga taong nakatingin sa ‘min,” pahayag ni Mely.

Ang sitwasyong ang nagtulak sa kanyang gumawa ng legal na hakbang. Nagpatulong siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at naisampa ang kasong RA 9262 sa Prosecutor’s Office ng Quezon City.

Ang tumayong testigo at nagpatunay na magkarelasyon nga sina Rico at Mely ay si Elena Dalope. Maging siya ay nasaksihan niya ang ginawang pananakit ni Rico kay Mely.

Sumailalim din si Mely sa Psychological Test. Nakitaan siya ng palatandaan at sintomas ng ‘mental illness’ at ‘mental retardation’ kaya’t nagrekomenda ng ‘routine investigation’ para sa kanya.

Pinadalhan ng ‘subpoena’ si Rico ngunit hindi naman ito dumalo sa mga pagdinig.

Sa hindi niya pagsagot sa mga akusasyon laban sa kanya naglabas ng ‘warrant of arrest’ si Judge Fernando Sagun noong Hunyo 14, 2012 sa kasong 2 counts ng RA 9262.

Ang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya ay nagkakahalaga ng Php24,000 sa dalawang kaso.

Ilang taon na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nahuhuli si Rico kaya humingi na ng tulong si Mely sa amin.

“Gusto kong mahuli siya. Ilang taon na ang nakakaraan mula nang magka-warrant siya,” ayon kay Mely.

Malakas umano ang loob ni Rico sapagkat may kakilala siyang may maraming koneksiyon.

Marami pa rin siyang natuklasan kay Rico nang magpunta siya sa Para?aque, Nung unang sinabi sa kanya ay nakapatay ngunit pagnanakaw pala ang naging kaso nito.

“Lahat ng sekreto niya alam ko. Kaya siya umalis sa Aparri dahil may nagreklamo ng panggagahasa sa kanya. Nagkaroon lang ng aregluhan kaya nakalusot siya,” ayon kay Mely.

Tumagal lang daw ng apat na buwan ang kanilang relasyon. Kung hindi siya sinaktan ni Rico ay hindi siya magrereklamo.

Nakakalungkot lang daw na sa kabila ng pagtulong niya rito ay pagbubuhatan lang siya ng ilang ulit.

Nakumpirma niya rin sa Land Transportation Office (LTO) na peke ang ginagamit nitong lisensiya. Binigyan siya ng sertipikasyon bilang patunay.

“Gusto kong mahuli na siya. Kung pwede nga lang na makapagpadala ako ng warrant of arrest sa Aparri para kung sakaling nandun siya mahuli na siya kaagad,” wika ni Mely.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo ang sinabi sa amin ni Mely na marami na palang kaso si Rico, kahit na mag-iba iba ka ng lugar, kung saan akala mo ligtas ka at hindi mahahabol, darating ang panahon matitimbog ka rin.

Sana hindi nagpapaareglo ng basta-basta ang mga nabibiktima dahil uulit at uulit lang ‘yan. Kailangan din alamin ni Mely kung nakapagpiyansa na ba itong si Rico sapagkat ilang taon na ang nakakalipas nang mailabas ang warrant of arrest.

Maganda rin ang paglabas na ito ni Mely sapagkat maaaring maging daan ito para lumutang ang ilan pang nagrereklamo laban sa kanya. Maaari siyang humingi ng tulong sa NBI at magdala siya ng litrato nito para mahuli kaagad.

Maaring natatakasan mo ang iyong mga kaso, ‘subalit sa tamang panahon’ makikita ka rin at malalaglag sa kamay ng batas.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

ACIRC

ALIGN

ANG

ILANG

LEFT

MELY

MGA

QUOT

RICO

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with