^

PSN Opinyon

“Walang paspasan!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KAPAG HAWAK mo ang manibela ng buhay hinay-hinay lang huwag kang magpaspas. Nagpapaalala lang kami na dapat mag ‘menor kapag edad’ ang usapan.

“Gumawa siya ng kwento para lang maireklamo ako. Siya raw ang papanigan dahil menor de edad siya,” ayon ito kay Rolando.

Binugbog at pinagsabihan ng masasakit na salita. Ganito raw ang ginawa ni Rolando Apid sa kanyang kinakasama kaya siya inireklamo nito.

Nakilala ni Rolando ang labing limang taong gulang na dalagita na itatago namin sa pangalang “Annie” sa cellphone (isang clan).

“Nung simula magka-text lang kami ng halos dalawang buwan. Nakatira siya sa Cavite. Tondo naman ako,” wika ni Rolando.

Sa text sila unang naging magkarelasyon. Pagdaan ng panahon nagkasundo silang magkita noong ika-30 ng Abril 2015.

Sinabi raw ni Annie sa kanya na gusto na nitong magsama sila. Alam naman ni Rolando na hindi umuuwi sa kanyang mga magulang si Annie.

Upang maisaayos ang lahat nakipag-usap umano si Rolando sa mga magulang ni Annie at ipinaalam nila ang balak na magsama sa iisang bahay.

“Ang sabi nila alagaan ko raw si Annie mula nun nagsama na kami,” sabi ni Rolando.

Bago pa lang silang nagsasama kaya hindi maiiwasan na may mga hindi sila pinagkakasunduan ayon kay lalaki.

Agosto 2015 gustong bumili ni Annie ng longganisa. Sumagot naman si Rolando na hihiram muna sila ng motorsiklo sa kanyang kapatid. Pababa na sila ng bahay pero wala run ang kanyang kapatid.

“Dumiretso kami sa karinderya pero wala kaming nakitang longganisa. Wala pa rin ang kuya ko kaya sinabi ko sa kanyang bumili na lang ng kahit na anong ulam,” kwento ni Rolando.

Nang makita niya ang kuya niya sinabihan siyang magpainom naman siya dahil sahod niya. Tumanggi si Rolando dahil naka-budget na ang kanyang pera para sa kanila ni Annie. Bigla na lang daw nagalit si Annie at sinenyasan siya nito na umakyat sila sa kwarto.

“Pagdating ko dun sinampal niya ako. Sinabunutan at sinabihang mag-iinom na naman daw ako,” sabi ni Rolando.

Nagkasagutan silang dalawa at sinabihan siyang kahit na anong gawin niya menor de edad siya kaya’t mas paniniwalaan siya. Nang tumigil sila sa pagtatalo inutusan siyang bumili ng ulam ni Annie.

Pababa na raw ng hagdan si Rolando ay itinulak pa siya at nakita ng hipag ni Rolando. Mabuti na lang nakahawak siya.

“Maliligo na dapat ako para pumasok nang itago niya ang pantalon at uniform ko sa trabaho. Hintayin ko raw ang mama niya dahil may mga kasama itong pulis,” ayon kay Rolando.

Sumagot si Rolando na sasabihin niya dito kung anuman ang pinaggagawa ni Annie. Hindi pa rin tumitigil si Annie sa kakasalita. Pinapatahimik ni Rolando si Annie dahil ayaw na niya ng gulo.

Nang nakahiga na sila sinisipa siya ni Annie kaya hinawi niya ang paa nito at natumba sa may drawer at doon napahiga. Ilang oras ang nakalipas may umakyat ng dalawang tanod na may kasamang pulis at inimbitahan siya sa barangay. Pinosasan siya papuntang ospital. Idiniretso siya sa Station 11. Pagdating ng Sabado nainquest na siya.

Reklamong ‘RA 9262’ at RA 7610 ang isinampa sa kanya.

Sa salaysay ni Annie sinaktan daw siya at tinatakot ng kanyang kinakasamang si Rolando. Naganap daw ito noong ika-14 ng Agosto 2015 bandang alas sais at bandang alas 10:45 ng gabi.

Matapos niyang maglaba ay nagutom daw siya kaya nagpabili siya ng pagkain. Sa halip na bilhan ay nagalit pa raw si Rolando at itinulak siya tumama ang kanyang balakang sa mesa.

“Lagi ka na lang gutom. Pa7@nt9t1n ka lang naman. Pinulot lang kita! Ginawa lang kitang parausan!” sabi umano ni Rolando sa kanya.

Paulit-ulit daw itong sinasabi ni Rolando at naririnig pa daw ng mga kamag-anak nitong kasama nila sa bahay. Umalis raw si Rolando at 10:45 na dumating. Nakainom na ito. Kinausap ni Annie ang kanyang ina at nagpapasundo na siya.

“Narinig niya ang sinasabi ko kay Mama nagalit siya at sinabing kahit na magsumbong kami sa pulis di siya natatakot,” salaysay ni Annie.

Binuksan daw ni Rolando ang drawer at akmang itatapon ang kanyang mga damit. Pinakiusapan niya ito na huwag itapon dahil darating na ang kanyang ina na may kasamang pulis at aalis na lang siya.

Lalo pa raw itong nagalit at bigla na lang siyang tinadyakan sa sikmura. Napaiyak si Annie sa sakit. Sa halip daw na tumigil ito itinulak pa daw siya kaya siya tumama sa dingding.

“Dumating si mama na may dalang tanod. Inimbitahan siya sa istasyon ng pulis. Nung una ayaw pa niyang sumama pero napilit din bandang huli,” ayon kay Annie.

Dati na raw siyang sinasaktan ng kinakasama pero hindi niya inirereklamo dahil nangangako itong hindi na niya uulitin. Nang mahuli daw si Rolando sinabi nitong makukulong siya at masisira ang buhay niya. Babalikan niya daw si Annie at sisirain nito ang buhay niya. Ibinigay niya ang salaysay na ito sa patnubay ng kanyang inang si Lorie Torrivillas.

‘No external signs of physical Injury at the time of examination’ ang nakasaad sa kanyan medico legal examination result.

“Hindi ko matanggap na gumagawa siya ng ganyang klaseng mga kwento,” ayon kay Rolando.

Nagpiyansa siya ng Php18,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya. Nakipag-usap din daw ang kanyang mga magulang sa pamilya ni Annie ngunit humihingi umano ito ng Php100,000.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang una kong nakikitang pagkakamali ay ng pumayag umano ang pamilya ni Annie na makisama siya sa lalaki sa kanyang murang edad na kinse anyos. Hindi pa niya ganap na nararanasan ang ligaya ng isang ‘teener’ asawa agad. Anumang pilit mapakla sa panlasa.

Mahirap isipin ang mga pinagsasabi ni Rolando laban kay Annie. Tanda mo na para madehado. Hindi kaya natakot ka lang ng Makita mong tinuluyan ka ng reklamo ni Annie at ng kanyang mga magulang?

OO nga’t humingi ka ng tulong sa amin subalit ginawa mo ito ng may kaso ka na. Kung totoo ang lahat ng kinwento mo dapat dinala mo si Annie sa magulang niya at nakipagkasunduan na lang na kapag nag-‘mature’ na itong si Annie magsasama kayong muli.

Hindi ko rin naman alam kung papasok ito sa ‘violation of RA9262 in relation to RA7610’ gayung kinunsinte ito ng mga magulang ni Annie.

Kadalasan kaya hindi umuusad ang ganitong kaso, mahimas lang at mapangakuan ang nagrereklamo, nalimutan na ang hirap at umaasa muli ng sarap.

‘Condonation’ o pagpapatawad mauuwi ang lahat at balik na naman sa ‘purgatoryong’ inyong pansamantalang iniwan.

Kung galit dapat galit. Kung hiwalayan, tuluyan na. Dahil ang tingin ko mahirap talagang umubra kapag ang inyong kinasama ay sobrang bata pa.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ACIRC

ALIGN

ANG

ANNIE

LEFT

NANG

NIYA

QUOT

ROLANDO

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with