^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Dapat gibain ang Torre de Manila

Pilipino Star Ngayon

MABIGAT ang pasya ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kontrobersiyal na Torre de Manila. Dapat itong gibain sapagkat sinira nito ang tanawin sa likod ng monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa memorandum ng OSG, nakasaad na ang monumento ni Rizal ay protektado dahil bahagi ito ng “cultural commons” ng Republika ng Pilipinas. Ipinresenta rin ng OSG ang National Commission on Culture and the Arts at National Museum sa kaso ng Torre de Manila.

Binanggit ni Solicitor General Florin Hilbay na ang permits ng construction ng Torre ay hindi valid. Ang DMCI Homes ang gumawa ng Torre. Ayon pa kay Hilbay, wala raw awtoridad ang city planning and development office (CPDO)  na mag-isyu ng zoning permit base sa Ordinance 8119 ng Manila’s zoning ordinance.

Ngayong nagpasya na ang OSG ukol sa kahihinatnan ng Torre de Manila, maaaring mawala na ang masamang tanawin sa likod ng monumento. Dapat lamang na mawala ang masamang tanawin sapagkat nasira nga ang magandang view nang kinaroroonan ng Pambansang Bayani. Pagkaraan nang matagal na panahong inalagaan na huwag masira ang tanawin ay biglang lumutang ang Torre.

Lumabag ang developer ng Torre sa Republic Act No. 4846 (Cultural Properties Preservation and Protection Act) at Republic Act No. 10066 (National Cultural Heritage Act of 2009). Sinimulan itong gawin noong 2012. Inaprubahan umano ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang konstruksiyon ng condo at ipinagpatuloy naman sa panahon ni Mayor Joseph Estrada. Mayroon daw itong pahintulot ng konseho ng Maynila.

Unang tumutol sa pagtatayo ng condo ang tour guide at cultural acitivist na si David Celdran. Nagsagawa ng online campaign si Celdran para mapigilan ang construction. Nagkaroon ng im-bestigasyon at napatunayang lumabag sa height restrictions ang condo.

Ngayong may nagpasya na para gibain ang Torre, marami ang umaasang tuluyan na nga itong mawawala sa paningin. Mawawala na ang nagpapangit sa monumento ni Dr. Jose Rizal.

ANG

CULTURAL PROPERTIES PRESERVATION AND PROTECTION ACT

CULTURE AND THE ARTS

DAPAT

DAVID CELDRAN

DR. JOSE RIZAL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR JOSEPH ESTRADA

PAMBANSANG BAYANI

REPUBLIC ACT NO

TORRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with