^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hindi na lumalayo ang drug syndicates

Pilipino Star Ngayon

PARA patunayan ng sindikato ng droga na hindi agad sila naaamoy ng mga pulis, mismong sa mga kabahayan  na nasa likod ng Camp Crame sa Quezon City sila naglungga. Hindi na sila lumayo pa para makapag-operate ng illegal na negosyo. Parang hinamon ng sindikato ang kakayahan ng Philippine National Police kung hanggang saan nakaaabot ang pang-amoy ng mga ito.

Imagine, sa likod mismo ng Camp Crame na headquarters ng PNP nagtayo ng 12 drug dens ang sindikato. Sa drug dens na ito malayang nakagagamit ng shabu ang sinumang gustong magpakabangag --- kabataang estudyante, pro­pesyunal, dyipni at traysikel drayber at kung sinu-sino pa.

Pero natunugan ang illegal na gawain. Sina­lakay ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force ang lugar at natimbog ang 33 tao (babae at lalaki). At ang nakadidismaya, isang pulis pala ang nagmi-maintain ng drug dens. Kaya naman pala walang mahuli sa lugar ay dahil pulis pala ang namamahala sa drug dens. Laging may nakakatunog at nagti-tip sa raiders kaya walang nati­timbog. Hindi nga masusugpo ang droga sa lugar sapagkat ang inaasahang huhuli sa sindikato ng droga ay siya palang nangangalaga rito.

Nakilala ang pulis na si Police Officer 2 Ronaldo Baltazar na naka-assigned sa PNP Headquarters Support Service. Inihahanda na ang kasong isasampa sa corrupt na pulis. Dapat sibakin agad siya sa puwesto

Ang mga katulad niya ay hindi dapat sa serbisyo.

Kailangan ang puspusang pagkilos ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez para maalis sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs. Basagin niya ang mga bugok para wala nang pamarisan. Talamak na ang problema sa illegal na droga na nagwawasak hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa iba pang tao sa lipunan. Kung mawawala ang mga pulis-droga, nakasisigurong mababawasan ang problema ng bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

DRUG SPECIAL OPERATION TASK FORCE

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE OFFICER

PULIS

QUEZON CITY

RICARDO MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with